10, 000 mamamayan, nakiisa sa “breakfree from fossil fuels” campaign

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 825 total views

Pinangunahan ng Archdiocese of Lipa ang pakikiisa ng Asya sa kampanyang “Breakfree from Fossil Fuels 2016” kung saan umabot sa 10,000 mamamayan ang nakibahagi sa programa ng “Piglas Batangas Piglas Pilipinas breakfree from fossil fuel”.

Ilan sa mga kalahok ay nagmula pa sa Quezon, Laguna, Rizal, Bulacan, Cavite at Metro manila.

Dahil dito, ipinagmalaki ni Lipa Abp. Ramon Argurlles ang pakikiisa ng libu-libong residente sa hamon ng Santo Papa na maging aktibo sa pangangalaga sa kalikasan.

Paghihikayat ng Arsobispo sa mga nakilahok, pag-ibayuhin ang pananalangin at pangangalaga sa kalikasan sapagkat ang tao ay nilikhang kawangis ng Panginoon, upang tulad ng Diyos ay itaguyod nito ang san nilikha.

“Ang mga tao nilikhang kawangis ng Diyos upang katulad ng Diyos itaguyod natin ang makabubuti sa ating kapaligiran. Kapag tayo’y malupit sa kapaligiran, sa bandang huli, ang buhay ng tao nanganganib.” Pahayag ng Arsobispo.

Naniniwala rin si Abp. Arguelles na ang usapin ng pagkasira ng kalikasan ay isang moral issue na dapat buong pusong paglabanan ng bawat taong inatasan ng Diyos na mangalaga sa mundo.

“Binigyan tayo ng ating mga magulangng magandang kalikasan, kailangan ipagpatuloy natin yan at ito’y dapat maging isyu hindi lamang political, ito talaga ay isyung moral, sapagkat ang nasisira ay ang magandang kalikasan para sa tao na nilikha ng Panginoong Diyos.” Pahayag ni Abp. Arguelles.

Kaugnay dito, sa pamamagitan ng malawakang pagkilos ng mamamayan sa Piglas Batangas Piglas Pilipinas, umaasa ang bawat isa sa Batangas na mapipigilan nito ang karagdagang 600MW Coal plant na nakatakdang itayo ng JGSummit Holdings sa Pinamucan, Ibaba, Batangas City. Samantala, ang International Campaign na Breakfree from Fossil fuels ay nakatakdang susunod na isagawa sa Indonesia, Nigeria, Brazil, United States, Germany at Australia hanggang sa ika-15 ng Mayo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 10,303 total views

 10,303 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 43,385 total views

 43,385 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 71,736 total views

 71,736 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 139,466 total views

 139,466 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 161,780 total views

 161,780 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 353,036 total views

 353,036 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top