Taumbayan, inalerto sa manipulasyon ng vote canvassing

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 340 total views

Pinalalahanan ni Diocese of Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso ang mga mananampalataya na maging matalino sa ihahalal na kandidato ngayong May 9 national elections.

Ayon kay Bishop Medroso, laging tatandaan ng mga botante ang katangian ng ihahalal nilang kandidato na tunay na lingkod bayan na may takot sa Diyos, sumusunod sa alituntunin ng bansa, tapat at may kakayahang mamuno sa bansa.

Hiniling din nito sa mga mananampalataya na maging maingat sa pagpili ng kandidato at suriing mabuti ang mga tunay na nagmamalasakit sa kabutihang pangkalahatan ng mamamayan.

“Paalala sa kanila sa ating constituents, na in their process of electing and choosing their candidate they have to consider first of all God fearing candidate, person who follow the law, who have characters but most of all they are honest people and they are skilled in their leadership. So we are asking our people to be more discreet, to more considering, selective in choosing their leader. Ito lamang ang paalala ko sa kanila,” bahagi ng pahayag ni Bishop Medroso sa panayam ng Veritas Patrol.

Kaugnay nito, ipinaalala ni dating Catholic Bishops Conference of the Philippines (C-B-C-P) president at Lingayen Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz sa mga botante na maging alerto sa bilangan ng boto.

Nangangamba si Archbishop Cruz na batay sa impormasyon na kanyang nakalap mula sa mga computer experts na maaring magkaroon ng dayaan sa pagmamanipula ng resulta ng bilangan.

Hiniling nito sa taumbayan lalo sa mga poll watchers na mas lalong maging mapagmatyag sa tamang resulta ng bilang ng boto na inilalabas ng COMELEC o Commission on Elections.

Dahil kung nagkamali ang bilang tiyak aniyang malaking gulo ang maidudulot nito.

“Ang nakakatakot talaga ay yung mga makina ay yung transmission ng ballots from precincts to national level. Marami nakong nakausap na IT expert ang sinasabi nila na talagang pwedeng dayain. Ito ang delikado ngayon hindi delikado ngayon kung boboto o hindi boto, etc. ang dapat talagang matiyagan ngayon kung ang COMELEC at wasto ang bilang mula lokal hanggang national. Maraming nag – aabang diyan at maraming nagmamatiyag kapag yan ay mali ngayon palang sasabihin ko, malaking gulo yan,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Cruz sa panayam ng Veritas Patrol.

Samantala, batay naman sa inilabas na mandato ng Automated Election System (A-E-S) law na kinakailangan na magkaroon ng 99.995 percent na accuracy rate.

Ngunit noong 2010 national elections nakapagtala lamang ng 99.6 percent na accuracy rate ang Smartmatic’s PCOS o Precint Count Optical Scanner habang 99.98 percent noong 2013 local election.

Patuloy naman ang pagsusulong ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV ng “One Good Vote” sa nasa 54 na milyong botante sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 12,486 total views

 12,486 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 34,491 total views

 34,491 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 58,833 total views

 58,833 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 82,841 total views

 82,841 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 117,726 total views

 117,726 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 17,921 total views

 17,921 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 235,037 total views

 235,037 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top