Magdasal, magsakripisyo, pakinggan ang puso at konsensiya sa pagboto

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 512 total reads

Hinimok ng mga opisyal ng Catholic Bishop Conference of the Philippines o C-B-C-P ang mga botante na magdasal,magsakripisyo,pakinggan ang puso at konsensiya sa pagpili ng ihahal na karapat-dapat na lider ngayong araw ika-9 ng Mayo,2016 elections.
pakinggan ang puso at konsensiya

Binigyan ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity, Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez, Cubao Bishop Honesto Ongtioco at Iligan Bishop Elenito Galido na tanging ang pananalangin ang makapagbibigay gabay upang magkaroon ng mapayapang puso ang bawat isa na magdudulot ng maayos at tapat na halalan.

Naniniwala si Bishop Pabillo na kapag nawala ang pangamba sa puso ay magkakaroon ng responsableng desisyon ang mga botante si ibobotong kandidato na tunay na lingkodbayan.

“Mga pangamba ay nandyan, kaya una sa lahat yung mga pangamba suriin natin may basehan ba? Kasi baka naman may mga nanggugulo lang. Pangalawa,ang panalangin ang kapangyarihan ng panalangin ay huwag natin balewalain. Ipagdasal natin, magsakripisyo tayo at maging mapayapa ang puso natin para mapayapa din ang ating pagkilos…” panawagan ni Bishop Pabillo sa mga botante.

Kaugnay ng halalan, magsasagawa ngayong araw hanggang bukas ika-9 ng Mayo ng prayer vigil para sa tapat at mapayapang halalan ang Diocese ng Simbahang Katolika sa Pilipinas.

Inihayag ni Iligan Bishop Elenito Galido na bukod sa prayer vigil ay magkakaroon ng early mass ang lahat ng parokya sa Diocese of Iligan bago magbukas ang lahat ng polling precincts sa lalawigan.

Kasabay nito ang maghapong exposition of the blessed sacrament sa buong araw ng Lunes habang isinasagawa ang election.

Samantala, espesyal na i-aalay ng Diocese of Cubao ang banal na misa para sa isang matahimik,mapayapa at maayos na resulta ng halalan bukas ika-9 ng Mayo.

Ayon kay Bishop Ongtioco, ipagdarasal nila ang limang libong PPCRV volunteers sa kanilang diyosesis kasama na ang mga botante.

Inihayag ng Obispo na special day ang araw ng eleksyon sa Diocese of Cubao kung saan mayroong mga prayer warrior na magdarasal para sa maayos na halalan.

“We have been emphazing the importance of prayer, voters education. Tomorrow wil be a special day since mataas na ang election fever.

Samantala kahapon, tinugon ng mga mananampalataya ang panawagan ng Pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philipines na sabay-sabay na magsindi ng kandila at magdasal ng santo rosaryo para ipanalangin ang 54 .6-milyong botante na pipili ng bagong lider na uupo sa 18-libong posisyon sa gobyerno ngayong araw.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 11,381 total reads

 11,381 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 92,677 total reads

 92,677 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 186,902 total reads

 186,902 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 247,392 total reads

 247,392 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 260,742 total reads

 260,742 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 204,665 total reads

 204,665 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 349,563 total reads

 349,563 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top