Vote buying, violation ng campaign ban

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 417 total views

Ito ang binigyan diin ng Bantay Karapatan matapos tumanggap ng ulat ng vote buying sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas.

Ayon sa Bantay Karapatan, tumanggap sila ng ulat na ilan sa mga residente sa Lipa Batangas ay tumanggap ng isang sako ng sako ng bigas na may kasamang 1,500 at 3,000 pesos.

Sa Julian Felipe elementary school sa cavite, marami ang namimigay ng sample balots, na ang iba ay nakaprint pa sa tarpaulins at mariin itong kinondena ng grupo bilang paglabag sa campaign ban.

Nakarating din sa Bantay Karapatan ang ulat na late na pagbubukas ng mga presinto tulad ng Ragayan Elementary school sa Iligan gayundin sa Alabang Elementary school.

Samantala, sa loob naman ng New Bilibid Prison, nahuli rin ang pagbubukas sa voting precincts dahil hindi agad nasunod ng Special Board of Election Inspectors ang mahigpit na patakaran ng NBP.

Tumanggap din ng ulat ang grupo na defective ang VCM sa Quezon City at Makati City na hindi makapagprint ng resibo, nagkakaroon din ng paper jams, at ilang insidente ng pagkakapalit palit ng balota na nagdulot ng delay sa proseso ng botohan.

Samantala, sa Occidental Mindoro, nakatanggap ng ulat ang Bantay Karapatan ng mga kaso ng pananakot sa indigeneous people o mga katutubong Mangyan kung saan pinipilit ang mga ito ng incumbent official na bumoto sa mga regular polling precincts sa halip ng ipinatupad na accessible polling precincts para sa mga katutubo.

Dahil dito patuloy ang pagbabantay ng BANTAY Karapatan sa halalan lalo na sa mga itinuturing na election hot spots kabilang na ang Pangasinan, Masbate, Negros Oriental, Western Samar, Maguindanao, Abra, Lanao del Sur, at Nueva Ecija.

Sa mga problemang may kinalaman sa halalan, maaring mag-ulat sa pamamagitan ng social Media ng LENTE o legal network for truth elections o sa hotline nitong 0917 602 3228 o 0939 352 4295.(Yana Villajos)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 9,915 total views

 9,915 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 42,997 total views

 42,997 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 71,348 total views

 71,348 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 139,078 total views

 139,078 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 161,415 total views

 161,415 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 353,022 total views

 353,022 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top