Panawagan ng obispo; mga kalat ng eleksyon, linisin na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 462 total reads

Hinimok ni Diocese of Marbel South Cotabato Bishop Dinualdo Gutierrez ang mamamayan lalo na ang mga kandidato na simulan ng linisin ang mga ikinalat nitong election paraphernalia.

Ayon sa Obispo, nanalo man o natalo ang mga kandidato, mahalagang ipakita ang tunay na serbisyo-publiko sa pangunguna sa paglilinis sa mga kalat ng eleksyon.

Iginiit naman ni Bp. Gutierez na maging ang Comelec ay kailangang tumulong sa paglilinis ng mga ginamit sa eleksyon at tiyakin ang seguridad ng mga kagamitan nito.

“Be diligent and clean, before election e marami nang mga sample ballots na kumakalat so we should try to clean the environment and yung sa ComElec you should try to get all your equipments and deposit them secure them.” Pahayag ni Bp. Gutierez.

Kaugnay dito, sinimulan na ng Ecowaste Coalition ang post-election clean up ngayong araw sa Project 6 Elementary School, Rd. 2, Cor. Rd. 6, Project 6, Quezon City.

Ayon kay Aileen Lucero, National Coordinator ng grupo, tuwing eleksyon ay pinangungunahan nila ang paglilinis sa mga campaign paraphernalia at tinuturuan ang mga mamamayan kung paano ito muling magagamit.

“Kasi ito ay merong panibagong buhay, yung mga tarpaulins ay pwede natin gawing bag o iba pang mga gamit na may kapakinabangan pa at hindi lamang dalin sa dumpsite, sa landfill o hindi dapat sinusunog.” Pahayag ni Lucero.

Samantala, nais rin ni Lucero na mapaigting ang pagpapatupad sa “No Clean Up, No Proclamation Policy,” dahil aniya, bagamat may inilunsad na programa ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA, ay hindi naman ito gaanong napagtutuunan ng pansin at sinusunod lalo na sa local level.

Noong 2010, ayon sa MMDA umabot sa labinlimang truck ng eletion paraphernalia ang kanilang nakolekta.
Nitong Enero 2016, naglunsad ang Department of Environment and Natural Resources kasama ang Department of Interior and Local Government at Commission on Elections ng Basura –Free Election 2016 upang tiyakin ang maayos na pag-dispose sa mga basura.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 16,257 total reads

 16,257 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 75,619 total reads

 75,619 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 160,986 total reads

 160,986 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 207,722 total reads

 207,722 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 255,593 total reads

 255,593 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 355,853 total reads

 355,853 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 3,022 total reads

 3,022 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 44,039 total reads

 44,039 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 36,913 total reads

 36,913 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top