Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 720 total views

Pabahay

Maraming Pilipino ang nagsasabi na wala silang pagmamay-aring lupa, kahit pa nga lupa sa paso. Kapanalig, ito nga ang reklamo ng marami sa atin dahil ang pabahay sa ating bansa ay tila “impossible dream.”

Ang isyung ito ay mas masidhi sa mga urban areas ng bansa kung saan mabilis na tumataas ang populasyon. Ayon sa “Developing a National Informal Settlements Upgrading Strategy for the Philippines” isang pagsusuri ukol informal settlements sa bansa noong 2014, ang ating bansa ang isa sa mga pinakamabilis sa Asya pagdating sa urbanisasyon. Maliban sa Metro Manila, may lima pang lungsod sa bansa na may populasyon na umaabot sa 750,000. Ito ay Cebu na may  2.3 million ang populasyon; Davao na may dalawang milyon; Cagayan de Oro, na may 1.1 million; Angeles City na may .97 million; at Metro Iloilo-Guimaras, na may 0.79 million. Ayon sa pagsusuri, 80% ng ating GDP ay mula sa mga lugar na ito.

Sa gitna na malaking kontribusyon na ito, lantaran din naman ang pagdami ng mga informal settlements o homelessness.Sinasabing nasa mga 1.5 million o 15% ng ating urban population ay informal settlers.

Bakit nga ba, kapanalig, mataas ang bilang ng informal settlements sa ating mga urban areas?

Isa sa pinakamalaking rason dito ay kahirapan. Marami ang pumipiling tumira sa mga informal settlements dahil malapit ito sa trabaho. Menos gastos kapanalig, sa pamasahe at miski baon. Pangalawa, libre ang pagtira sa mga informal settlements. Sa ganitong paraan, napapahaba ng mga informal settlers ang kanilang pisi.

Isa ring mahalagang rason kung bakit dumarami ang informal settlements ay ang kawalan ng maayos na urban planning. Ang ating mga syudad ay hindi naging handa sa influx ng mga migrants at   pagtaas ng populasyon. Ang espasyo para sa mga tirahan ay nailalaan lamang sa mga may kaya. Kaya nga hindi nakakapagtaka kung bakit sa pagitan at sulok ng mga magagarang subdibisyon ay laging may nakasuksok na informal settlements. Ito ay ebidensya na hindi abot kaya ang presyo ng pabahay, kaya’t kung ano mang maabot na lupa, titirikan na lamang ng barong barong.

Ang pagtanggi ng  maraming mga informal settlers sa paglisan ng kanilang tahanan kapag sila ay pinapa-alis ay  hindi pagmamalaki. Kapanalig, kadalasan ang pagtanggi na ito ay nangangahulugan ng survival. Marami sa mga informal settlers ay lubhang mahirap at walang access sa mga batayang serbisyo pati na rin sa kapital, social security, social networks o makakapitan, pati na rin kaligtasan mula sa mga panganib na kaakibat sa pagtira sa mga danger-prone areas. Sa mga urban centers kung saan mabilis ang buhay, ang eviction ay magdudulot pa ng sukdulang kahirapan.

Kapanalig, ang dami ng mga paraan upang maiayos ang ating mga informal settlements. Una maaring gawin ang slum upgrading kung saan inaayos ang disensyo at anyo ng mga slum areas. Maari ring masubukan ang in-site o near-site relocation. Ang mga ito ay mga lohikal na hakbang. Ang pagpapalayas kasi ng mga slum settlers ay hindi nakakatulong sa mga maralita. Ang eviction sa kanila na walang maayoos na pabahay ay magdudulot lamang ng siklo ng panibagong urban settlements. Alalahanin natin kaya sila nakatira doon ay para survival. Hindi ito malayang pagpili. Ito ay resulta ng “no choice” bunsod ng kahirapan.

Ang Octogesima Adveniens ni  Pope Paul VI ay nagsabi na ang pinakamahina sa atin ang siyang nakatira sa mga “dehumanizing living conditions.” Ito ay nakapanliliit ng pagkato at makasasama sa pamilya. Kahit sinong tao ay hindi ito pipiliin kung meron lamang silang kalayaan pumili.

Ang pabahay ay hindi kayang makamtan ng maralita, lalo pa’t mahal ang access dito, kahit pa upa man lang. Ang estado ay malaki ang responsibilidad ukol dito. Kaya nga’t panawagan ng panlipunang tuto ng Simbahan:  It is the grave duty of those responsible to strive to control this process and to give it direction. Sana’y madinig na ito ng mga kinauukulan upang sila ay kumilos na para sa pabahay para sa lahat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tantanan na ang mga puno!

 8,900 total views

 8,900 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 29,965 total views

 29,965 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 52,987 total views

 52,987 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 92,323 total views

 92,323 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Tantanan na ang mga puno!

 8,902 total views

 8,902 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 29,967 total views

 29,967 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 52,989 total views

 52,989 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 92,325 total views

 92,325 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »
Scroll to Top