No uniform policy, mas magastos sa mga estudyante – Bishop Mallari

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,802 total reads

Naniniwala ang Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education na mas nakabubuti ang pagpapasuot ng uniporme sa mga estudyanteng papasok ng paaralan.

Ayon kay San Jose, Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, chairman ng komisyon, mas makatitipid ang mga magulang ng mga estudyante kumpara sa nais ipatupad ni President elect Rodrigo Duterte na “no uniform policy” sa mga paaralan.

Paliwanag pa ni Bishop Mallari, mas mahirapan ang mga awtoridad na tiyakin ang seguridad ng mga paaralan kung hindi nakasuot ng uniporme ang mga bata.

“Hindi ko alam kung ‘yung idea niya lang du’n ay makatipid ‘yung mga magulang. Para sa akin, kapag naka–uniporme ka, mas nakakatipid ka. May mga alam akong estudyante na minsan dalawa o tatlo lang ‘yung uniforms, pinapalit – palitan lang ‘yan. It is not really a big deal du’n sa gastos ng uniform,” bahagi ng pahayag ni Bishop Mallari sa panayam ng Veritas Patrol.

Iginiit pa ng obispo na ang uniporme ng isang paaralan ang siyang “identity” ng isang institusyon.

“Ako, personally, kasi ‘yung identity kasi ng schools kinakailangan ding i–maintain. Kung kailangan talaga ‘yung salitang makatipid siguro mahalaga ‘yung mas mura lang ‘yung gastos ng uniform. ‘Yung not totally expensive,” giit pa ni Bishop Mallari sa Radyo Veritas.

Nabatid na 23-milyon estudyante sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa bansa ang nagsisimula ng klase noong school year 2015-2016.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 41,632 total reads

 41,632 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 121,624 total reads

 121,624 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 155,071 total reads

 155,071 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 190,370 total reads

 190,370 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 415,322 total reads

 415,322 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 296,812 total reads

 296,812 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 408,142 total reads

 408,142 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top