Itama ang mali sa halip na ikulong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 569 total reads

Hindi solusyon ang pagpapakulong sa mga batang nagkasala sa nagaganap na karahasan sa lipunan.

Ito ang inihayag ni Sr. Zeny Cabrera ng Restorative Justice Ministry ng Archdiocese of Manila.

Ayon kay Sr. Cabrera sa halip na ibaba ang edad ng criminal liability ay dapat pagtuunan ang mga paglabag at pang-aabuso ng mga nakatatanda sa mga bata.

“Ngayon nakakakilabot isipin na ang isang bata na kulang pa sa kamalayan ay ilalagay sa isang lugar na hindi siya dapat naroroon kundi dapat siya ay nasa close na pangangalaga ng mga magulang. So ang bagay na ito, sa palagay ko, ang pagpapasa o hindi pagpapasa ng Bill na ito ay aksaya unang-una. Kasi dina-divert nila ang atensyon ng tao. Pag-aaksaya sa paguusap,” ayon kay Sr. Cabrera.

Sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula sa 800,000 naiulat na pusher at user ng ilegal na droga may 24,000 ang mga minor de edad kung saan 20 porsiyento sa mga ito ay pawang nasa edad 15 taon pababa at dalawang porsyento lamang ang mga batang ito o katumbas ng 400 bata ang nagbebenta ng droga.

Hinihikayat din ng madre ang mga mambabatas na suriin ang kanilang sarili kung papaya sila na makulong ang kanilang menor-de-edad na nagkasalang mga anak.

“Ang parusa ay hindi paraan, hindi tugon para itama ang isang bagay, lalo na when it concerns home life, family life. This is an issue that should be discussed among families. Itong mga legislators natin dapat magkaroon sila ng pusong maka-pamilya, kung mayroon tayong maka-panalig, dapat meron ding maka-pamilya,” dagdag pa ni Sr. Cabrera.

Sa panig ng simbahan, may programa ang Archdiocese ng Manila para sa mga kabataang nagkakasala sa batas o ang ‘Children in conflict with the law’ kabilang dito ang Youth Deception Centers, Bahay Pag-asa, Bahay Aruga at Yakap Bata sa pakikipagtulungan na rin ng ilang mga lokal na pamahalaan.

Sa mga tanggapang ito ay tinutulungan ang kabataan na maging kapaki-pakinabang sa lipunan, makapag-aral at ang pagbibigay ng katesismo bilang gabay sa kanilang espiritwal na pangangailangan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 63,046 total reads

 63,046 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 111,742 total reads

 111,742 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 159,615 total reads

 159,615 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 263,560 total reads

 263,560 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 346,622 total reads

 346,622 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top