Pnoy, kinalampag sa patuloy na mining operations kahit may suspension order

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 451 total reads

Nanawagan ang mga makakalikasang grupo sa Administrasyong Aquino na itigil na ang mga masasamang proyekto nito na pumapatay sa buhay ng kalikasan at sa buhay ng komunidad na nakadepende dito.

Ayon kay Clemente Bautista, National Coordinator ng Kalikasan Peoples Network for the Environment, may nalalabi pang panahon si Pangulong Benigno Aquino III upang bawiin ang mga inaprubahan nitong programa na sisira sa kalikasan at sa pamayanan.

“Itigil na dapat nila yung kanilang masasamang proyekto at programa. Nagbabantay kami lalo na dito sa DENR na may kasaysayan ng mga midnight deal, duon sa mga panahon na magpapalit ng administrasyon, babantayan namin kayong mabuti”.Pahayag ni Bautisya sa Radyo Veritas.

Babala pa ni Bautista, nangangalap na ang kanilang grupo ng mga impormasyon at ebidensya laban sa Department of Environment and Natural Resources, at nakahanda itong magsampa ng kaso laban sa ahensya upang mapanagot sa kanilang mga illegal na gawain.

Samantala lubha namang ikinabahala ni Jaybee Garganera, National Coordinator ng Alyansa Tigil Mina ang tila pagmamadali ng mga minahan sa pagsasagawa ng operasyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa tulad sa Manicani Island, Guian Eastern Samar, Sta. Cruz, Zambales, at Nara Palawan.

Aniya sa kabila ng suspension order sa mga mining operations, nasaksihan ng mga residente ang labis-labis na pagkuha ng mineral sa kanilang mga lalawigan.

Hinala ng grupo, minamadali ng mga kumpanya ang kanilang operasyon dahil malaki ang posibilidad na ipasara ito ng susunod na administrayon.

“Baka itong mga minahang kumpanya ay nagmamadali, at lahat ng pwede nilang gawing pagmimina ay gagawin nila hanggang sa ika-30 ng Hunyo, dahil baka inaasahan nila na pag-upo ng Duterte Administration ay talagang mapigilan at mapatigil yung kanilang mga iligal na operasyon.” Pahayag ni Garganera sa Radyo Veritas.

Samantala, sa ilalim ng administrasyong Aquino naaprubahan ang pagpapatayo ng 27 Coal Power Plants, hanggang taong 2020, gayung mayroon nang 17 kasalukuyang nag o-operate sa bansa.

Gayun din sa ilalim ng Aquino administration, umabot sa 1,828 ang mining applications sa bansa, habang mayroon namang 47 large scale mining na kasalukuyang nag-o-operate sa Pilipinas.

Sa Laudato Si ng kanyang kabanalan Francisco binigyang diin nito na ang mga Lider ng bawat bansa ang syang dapat manguna sa pagprotekta sa kalikasan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga polisiyang mangangalaga at magpapaunlad dito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 36,915 total reads

 36,915 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 122,687 total reads

 122,687 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 169,425 total reads

 169,425 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 217,297 total reads

 217,297 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 319,515 total reads

 319,515 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 43,256 total reads

 43,256 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 36,131 total reads

 36,131 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top