391 total views
Inordinahang bilang bagong obispo ng Diocese of Tarlac si bishop Enrique Macaraeg sa St. John the Evangelist Cathedral sa Archdiocese of Lingayen-Dagupan kaninang umaga.
Pinangunahan ni Lingayen-Dagupan archbishop at CBCP President Socrates Villegas ang ordinasyon kay Bishop Macaraeg matapos siyang italaga ng Kanyang Kabanalan Francisco.
Pinalitan nito ang nagretirong si Bishop Florentino Cinense.
Bago italagang obispo ng Diocese of Tarlac, si Bishop Macaraeg ang Vicar General ng Lingayen-Dagupan.
Umaabot sa 52 ang aprokya ng Tarlac na sumasakop sa may 1.52 milyong mga katoliko o 82.6 percent ng populasyon ng Tarlac.
Nagtatalaga ng obispo ang Santo Papa para maging gabay at instrumento ng pagpapalakas ng pananampalataya ng mga Katoliko sa mga diocese.
Nakatakda naman ang instalasyon ni Bishop Macaraeg bilang obispo ng Diocese of Tarlac at ito ay sa pangunguna ni Papal Nuncio archbishop Guiseppe Pinto sa May, 31, 2016.
Samantala, isang mahiyaing tao na walang kaaway. Ganito isinalarawan ni archbishop Villegas si Bishop Macaraeg.
“Mahiyain, at napaka-malumanay magsalita halos masasabi mong walang kaaway, walang problemang ibinigay at lahat ay madali siyang kaibiganin.” Ayon kay archbishop Villegas.