Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pnoy, kinalampag sa patuloy na mining operations kahit may suspension order

SHARE THE TRUTH

 295 total views

Nanawagan ang mga makakalikasang grupo sa Administrasyong Aquino na itigil na ang mga masasamang proyekto nito na pumapatay sa buhay ng kalikasan at sa buhay ng komunidad na nakadepende dito.

Ayon kay Clemente Bautista, National Coordinator ng Kalikasan Peoples Network for the Environment, may nalalabi pang panahon si Pangulong Benigno Aquino III upang bawiin ang mga inaprubahan nitong programa na sisira sa kalikasan at sa pamayanan.

“Itigil na dapat nila yung kanilang masasamang proyekto at programa. Nagbabantay kami lalo na dito sa DENR na may kasaysayan ng mga midnight deal, duon sa mga panahon na magpapalit ng administrasyon, babantayan namin kayong mabuti”.Pahayag ni Bautisya sa Radyo Veritas.

Babala pa ni Bautista, nangangalap na ang kanilang grupo ng mga impormasyon at ebidensya laban sa Department of Environment and Natural Resources, at nakahanda itong magsampa ng kaso laban sa ahensya upang mapanagot sa kanilang mga illegal na gawain.

Samantala lubha namang ikinabahala ni Jaybee Garganera, National Coordinator ng Alyansa Tigil Mina ang tila pagmamadali ng mga minahan sa pagsasagawa ng operasyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa tulad sa Manicani Island, Guian Eastern Samar, Sta. Cruz, Zambales, at Nara Palawan.

Aniya sa kabila ng suspension order sa mga mining operations, nasaksihan ng mga residente ang labis-labis na pagkuha ng mineral sa kanilang mga lalawigan.

Hinala ng grupo, minamadali ng mga kumpanya ang kanilang operasyon dahil malaki ang posibilidad na ipasara ito ng susunod na administrayon.

“Baka itong mga minahang kumpanya ay nagmamadali, at lahat ng pwede nilang gawing pagmimina ay gagawin nila hanggang sa ika-30 ng Hunyo, dahil baka inaasahan nila na pag-upo ng Duterte Administration ay talagang mapigilan at mapatigil yung kanilang mga iligal na operasyon.” Pahayag ni Garganera sa Radyo Veritas.

Samantala, sa ilalim ng administrasyong Aquino naaprubahan ang pagpapatayo ng 27 Coal Power Plants, hanggang taong 2020, gayung mayroon nang 17 kasalukuyang nag o-operate sa bansa.

Gayun din sa ilalim ng Aquino administration, umabot sa 1,828 ang mining applications sa bansa, habang mayroon namang 47 large scale mining na kasalukuyang nag-o-operate sa Pilipinas.

Sa Laudato Si ng kanyang kabanalan Francisco binigyang diin nito na ang mga Lider ng bawat bansa ang syang dapat manguna sa pagprotekta sa kalikasan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga polisiyang mangangalaga at magpapaunlad dito.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 70,492 total views

 70,492 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 102,487 total views

 102,487 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 147,279 total views

 147,279 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 170,251 total views

 170,251 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 185,649 total views

 185,649 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 9,263 total views

 9,263 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 214,856 total views

 214,856 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 158,702 total views

 158,702 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top