Biktima ng El Niño sa Palawan, tinulungan ng lokal na pamahalaan at ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 373 total views

Tinutugunan na ng lokal na pamahalaan maging ng Simbahang Katolika ang problema ng mga magsasakang naapektuhan ng El Niño sa Palawan.

Ito ayon kay Puerto Prinsesa, Palawan Bishop Pedro Arigo matapos isailalim sa ‘state of calamity’ ang buong lalawigan.

Ayon kay Bishop Arigo bagaman iilan lamang ang talagang napinsala ng tag – tuyot sa kanilang lugar ay may panaka–naka na ring pag- ulan na hudyat na patapos na ang tag- tuyot at ramdam na ang La Nina.

“Ang amin namang Provincial government ay very responsive sa ganyang mga issue o ganyang mga need. Pero sabi ko nga, parang ang El Nino is over dahil panay na ang ulan sa Palawan ngayon lalo na sa bundok,” bahagi ng pahayag ni Bishop Arigo sa panayam ng Veritas Patrol.

Iginiit pa ng obispo na ang matinding kinakaharap ng kanilang lugar ay ang pagkatuyo ng mga pangunahing pinagkukunan nila ng tubig ngunit unti-unti na ring bumabalik dahil sa pag – ulan.

“Sa Puerto nga ang talagang naging problema walang tubig kasi na – drain yung source ng water ng aming local water district na – drain dahil nga sa El Nino. Ngayon, simula ng nag – uulan na two weeks ago ay medyo bumabalik na bagamat mahina pa pero meron na ring supply ang tubig,” giit pa ni Bishop Arigo sa Radyo Veritas.

Sa mahigit P100 milyon na calamity fund ng pamahalaang panlalawigan tanging ang 30 porsiyento na nakapaloob sa Quick Response Fund lamang ang napagkasunduan ng Sangguniang Panlalawigan na maaaring gamitin sa para sa ngayong state of calamity.

Tinataya naman ng Office of Provincial Agriculture ng Palawan, umaabot na sa halos P500 milyon ang nalugi sa mga magsasaka mula sa kanilang mga pananim na nasira at iba pang produktong pang-agrikutura kasama na ang sector ng pangisdaan at livestock.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 18,103 total views

 18,103 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 192,037 total views

 192,037 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 169,670 total views

 169,670 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 233,156 total views

 233,156 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 251,651 total views

 251,651 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 61,217 total views

 61,217 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 260,583 total views

 260,583 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top