Pagiging batas ng CMTA, malaking tulong sa OFWs – Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 540 total reads

Ikinatuwa ng Catholic Bishop Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang paglagda ng Pangulong Aquino sa Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.

Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng komisyon, magbibigay sa mga overseas Filipino workers (OFWs) ang naturang batas ng mataas na tax exemption ceiling sa mga ‘balikbayan boxes’ mula P10,000 hanggang P150,000.

Paliwanag pa ni Bishop Santos na dahil sa naturang batas hindi na kinakailangan pang istriktong inspekyunin ng mga opisyal ng Bureau of Customs (BoC) ang mga ‘balikbayan boxes,’ at maiwasan na ang pagnanakaw sa ilan sa mga laman ng kanilang ipinapadala.

“It is a good news to our OFW, and we are grateful for making it a law. A relief and assurance for our OFW as they can pay less to send balikbayan boxes and they can send more to their loved ones. With increased tax exemptions custom officials don’t have to strictly inspect Balikbayan boxes, and so stealing some items or destruction of balikbayan boxes will be avoided,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Veritas Patrol.

Sa ilalim din ng nasabing batas, magiging mas transparent ang Customs at papatawan ng mas mataas na parusa ang mga smugglers.

Nasa 350 pahina ang kalalagdang batas kaugnay sa BoC.

Nabatid na ayon mismo sa BoC, nasa 1,500 containers ng balikbayan boxes ang pumapasok sa bansa kada buwan o katumbas ito ng 18,000 kada taon o umaabot sa 7.2 milyong balikbayan boxes.

Nauna na ring kinilala ni Pope Francis ang sakripisyo at pagsusumikap ng may 15 milyong overseas Filipino workers (OFWs) sa buong mundo.

Ayon sa Santo Papa, napakahalaga ng tungkulin ng milyun-milyong Pinoy na nagtatrabaho sa ibang bansa sa pagtulong sa pag-angat ng ekonomiya ng Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 6,895 total reads

 6,895 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 31,150 total reads

 31,150 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 67,651 total reads

 67,651 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 288,273 total reads

 288,273 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 322,551 total reads

 322,551 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 233,775 total reads

 233,775 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 368,497 total reads

 368,497 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top