ACN, kaisa ng Apostolic Vicariate of Jolo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 647 total reads

Tiniyak ng Aid to the Church in Need Philippines ang pagbibigay suporta at tulong sa Apostolic Vicariate of Jolo kasunod ng naganap na dalawang pagsabog sa Our Lady of Mount Carmel Cathedral o mas kilala bilang Jolo Cathedral sa kasagsagan ng Banal na Misa noong Linggo ika-27 ng Enero.

Ayon kay Aid to the Church in Need Philippines National Director Jonathan Luciano, makakaasa sina Rev. Fr. Romeo Saniel, Apostolic Administrator ng Jolo at Cotabato Archbishop-elect Angelito Lampon sa pagsuporta at pakikiisa ng ACN sa muling pagbangon at patuloy na pagpapatatag ng pananampalataya ng mga Kristyano’t Katoliko sa lalawigan.

“Patuloy ang suporta ng Aid to the Church in Need at siniguro po natin kay Fr. Romeo Saniel at ganun din po kay Archbishop Lito Lampon na ipagpapatuloy po ang pagsuporta ng ACN Philippines sa Jolo, matagal na pong sinusuportahan ng Aid to the Church in Need ang Apostoic Vicariate ng Jolo at ngayon po higit po na makikiisa, magiging kaisa ng Apostolic Vicariate ng Jolo ang Aid to the Church in Need sa patuloy na pagbangon dito po sa pangyayaring ito at sa patuloy na pagpapalaganap po ng ating pananamapalataya…” pahayag ni Luciano sa panayam sa Radyo Veritas.

Samantala, inihayag rin ni Luciano ang nakatakdang pagtungo sa Apostolic Vicariate of Jolo ng ilang mga kinatawan mula sa Aid to the Church in Need Philippines upang personal na makita at masuri ang epekto ng dalawang pagsabog sa Our Lady of Mount Carmel Cathedral.

Ipinaliwanag ni Luciano na mahalagang makita ng mga kinatawan ng ACN Philippines ang sitwasyon sa lalawigan upang mas epektibong makapagkaloob ng tulong sa Apostolic Vicariate of Jolo para mabilis na makabangon mula sa naganap na madugong insidente.

Batay sa pinakahuling tala ng mga otoridad umaabot na sa mahigit 20 ang nasawi habang mahigit naman sa 100 ang sugatan sa naganap na dalawang pagsabog sa loob at labas ng Jolo Cathedral.

Ang ACN Philippines ay bahagi ng Pontifical Foundation ng Vatican na Aid to the Church in Need (ACN) na naitatag noong 1947 bilang isang Catholic aid organization na kinilala bilang Papal Foundation noong 2011 na nagbabantay sa iba’t ibang kaso ng pang-aabuso sa mga migrants at refugees at maging sa mga kaso ng religious persecution sa iba’t ibang bansa

Batay sa Catholic Directory of the Philippines may aabot sa 29,500 ang bilang ng mga mananampalatayang Katoliko sa Apostolic Vicariate of Jolo mula sa mahigit 1.7-milyong kabuuang populasyon sa lugar.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 35,759 total reads

 35,759 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 121,609 total reads

 121,609 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 168,347 total reads

 168,347 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 216,219 total reads

 216,219 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 318,490 total reads

 318,490 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top