Mahigpit na seguridad, ipapatupad ng Quiapo church.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 909 total reads

Tiniyak ng pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene o mas kilala bilang Quiapo Church ang pagpapatupad ng mahigpit na seguridad upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga deboto at mananampalatayang nagsisimba.

Ipapatupad ang mahigpit na seguridad kasunod ng naganap na pagpapasabog sa Jolo Cathedral noong Linggo ika-27 ng Enero.

Ayon kay Rev. Fr. Douglas Badong – Parochial Vicar ng Quiapo Church, mayroon nang karagdagang K-9 units ang naglilibot sa paligid ng Simbahan habang nagdagdag na rin ng mga security personnel.

“Sa ngayon nagdagdag ng mga K-9, tapos pinapalibot palagi kasi yung mga K-9 namin mababait na daw kaya pinapalitan sila para talagang ma-check tapos nagdadagdag din ng mga security personnel tapos mas doblehin pa o triplehin pa yung pag-iikot nila, every now and then chini-check yung mga bangko, yung mga upuan pati yung mga natutulog kapag gabi, so ichini-check din yun…” pahayag ni Father Badong sa panayam sa Radyo Veritas.

Umaapela naman ang Pari sa bawat mananampalataya at mga deboto ng Mahal na Poong Hesus Nazareno na maging mapagmatyag sa kalagayang pang-seguridad sa paligid ng Simbahan.

Hinimok ni Father Badong ang lahat na tumulong at makibahagi sa pagtiyak ng kaligtasan bawat mamamayan sa pamamagitan ng pagiging mapagmasid at agad na pagsusumbong sa mga otoridad ng anumang kahina-hinala sa labas at loob ng Simbahan.

“Sa mga pupunta ng Simbahan, isipin din natin yung kapakanan ng kasama natin at maging mapagmasid, laging i-report kung merong mga kahina-hinala, tumulong lang tayo sa ikakaayos din naman at ikakaligtas ng bawat isa…” dagdag pahayag ni Father Badong.

Ang pahayag ng Pari ay kaugnay sa paglalagay sa ‘heightened alert’ sa buong bansa kasunod ng naganap na dalawang pagsabog sa Our Lady of Mount Carmel Cathedral noong Linggo ika-27 ng Enero kung saan umabot sa mahigit 20 ang namatay habang mahigit 100 naman ang sugatan.

Ang Minor Basilica of the Black Nazarene ay dinarayo ng libu-libong deboto ng Mahal na Poong Hesus Nazareno.

Kaugnay nito sa Archdiocese of Davao ay una ng ipinag-utos ni Davao Archbishop Romulo Valles at Davao Mayor Sarah Duterte ang pagbabawal sa pagdadala ng mga bag tulad ng backpack at knapsacks sa loob ng mga Simbahan bilang bahagi ng ‘security measure’ ng Simbahan.

Read: Pagdadala ng bag sa loob ng Simbahan, ipinagbawal

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 214,794 total reads

 214,794 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 249,467 total reads

 249,467 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 265,367 total reads

 265,367 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 301,857 total reads

 301,857 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 307,701 total reads

 307,701 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 47,163 total reads

 47,163 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top