Maayos na pasilidad sa mga estudyante, hamon sa pinuno ng mga paaralan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 670 total reads

Isang hamon sa paaralan na makapagbigay ng maayos na pasilidad sa mga estudyante.

Ito ang inihayag ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle matapos nitong pasinayaan ang mga bagong pasilidad ng Sacred Heart of Jesus Catholic School, sa Sta. Mesa Manila noong ika-4 ng Pebrero.

Ayon sa Kardinal, tungkulin ng mga paaralan na patuloy na paunlarin ang kanilang serbisyo upang mas maging epektibo ang paghubog sa mga kabataan.

Samantala, sinabi din ng Kardinal na isang hamon naman para sa mga kabataan na sa pag-unlad ng kanilang paaralan ay mapaunlad din ng bawat isa ang mga sarili at ang pakikitungo sa kapwa.

Ayon kay Kardinal Tagle kahit na gaano kaganda ang paaralan ay mas mahalagang makita ang kabutihan ng mga mag-aaral na pumapasok dito.

Aniya, mas magiging sulit ang mga oras na ginugugol, pagod, at gastos kung makikita ang kagandahan at kabutihang taglay ng mga estudyante na higit pa sa mauunlad na pasilidad ng isang paaralan.

Naniniwala si Cardinal Tagle na ang bawat paaralan ay ipinagkakatiwala sa mga magulang, guro at estudyante upang maging daan ito ng mas mabuting paghubog sa mga kabataan.

Ang Sacred Heart of Jesus Catholic School ay bahagi ng mahigit sa 1, 400 Catholic School members ng Catholic Educational Association of the Philippines.

Layunin nito na patuloy na makapaghatid ng kalidad na edukasyon at hubugin ang pananampalataya at mabuting pag-uugali ng mga kabataang Filipino.

KUMAPIT KAY HESUS, LABANAN ANG KASAMAAN

Samantala, hinimok din ni Kardinal Tagle ang mga mananampalataya lalo na ang mga kabataan na tulad sa mga pagbasa ay maging malakas sa paglaban sa kasamaan.

Sinabi nito na kung si Hesus ay mas malakas sa anumang kasamaan, marapat lamang na panatilihin ng bawat Kristiyano ang kanilang pagkapit sa Panginoon upang ito ang magsilbing bukal ng katapangan ng pananampalataya ng bawat isa.

Binigyang diin ng Kardinal na kung ang bawat Kristiyano ay nakaugat kay Hesus, ang bawat katoliko ay magiging daan ng katapangan at kalakasan ng Panginoon at hindi daan ng masasamang gawi ng demonyo.

Naniniwala din ito na ang pananalig at pag-asa ng bawat tao sa Panginoon ay magdudulot ng kapayapaan sa puso ng bawat tao at sa huli ay may naghihintay na gantimpala sa buhay ng mga nakasalig kay Hesus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 62,126 total reads

 62,126 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 110,873 total reads

 110,873 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 158,745 total reads

 158,745 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 262,691 total reads

 262,691 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 345,782 total reads

 345,782 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 42,095 total reads

 42,095 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 34,975 total reads

 34,975 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top