Mga nasunugan sa Bataan, binisita ni Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 544 total views

Personal na pinangunahan ni Diocese of Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos ang pagbisita at pagtingin sa kalagayan ng mga residenteng biktima ng sunog na naganap sa Sitio Depensa, Capunitan, Orion, Bataan na pansamantalang tumutuloy sa mga kalapit paaralan.

Ayon sa Obispo, higit na mahalaga sa mga ganitong pagkakataon ang pagkakaisa ng mga mamamayan upang mabigyan ng tulong at paggabay ang mga residenteng biktima ng naganap na sunog.

Hinimok rin ni Bishop Santos ang bawat isa na ipanalangin na matagpuan sa Panginoon ng mga residenteng nasaktan, nawalan ng tahanan at nakararamdam ng pangamba ang kapanatagan, katiwasayan at pag-asa upang muling makabangon matapos ang trahedya.

“Tragedy struck Sitio Depensa in Barangay Capunitan of the Town Orion. There was fire which left 1,018 families homeless. In this moment we have to unite, help one another and hold on to God. Don’t lose hope. There would be healing. And we can rise again.” Pagbabahagi ni Bishop Santos.

Ibinahagi rin ng Obispo ang pagtutulungan ng Simbahan at ng lokal na pamahalaan ng Orion Bataan sa pagbibigay ng tulong sa mga residente upang muling makapagsimula matapos na mawalan ng mga tahanan at mga ari-arian.

Inihayag ni Bishop Santos na mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t-ibang sektor ng lipunan upang ganap na matulungan at matugunan ang pangangailangan ng mga residente.

“The Church and Municipality of Orion with mayor Antonio Raymundo are one, united for welfare and wellbeing of their people. Together we are strong. Together we could do better. Be with us to build up again their dreams.” Dagdag pa ni Bishop Ruperto Santos.

Batay sa tala, aabot sa 1,018 pamilya ang nawalan ng tahanan dahil sa naganap na sunog sa baybaying dagat ng Orion noong ika-29 ng Enero, 2019.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 15,143 total views

 15,143 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 89,757 total views

 89,757 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 169,836 total views

 169,836 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 212,975 total views

 212,975 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 213,142 total views

 213,142 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top