Voluntary regularization sa mga pribadong kompanya, sisimulan ngayong Pebrero

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 408 total views

Katuparan sa dignidad ng isang indibidwal ang paggawa bilang pakikibahagi at pakikipagtulungan sa malikhaing paggawa ng Panginoon.

Dito nakabatay ang dignidad ng tao na nailathala sa Banal na Kasulatan sa Genesis tungkol sa pagpapahalaga sa dignidad at karapatan ng mga manggagawa.

Umaasa ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magkaroon ng malawakang voluntary regularization sa mga kontraktuwal na manggagawa sa buong bansa simula ngayong Pebrero.

Ito ay bunsod ng napagkasunduan ng DOLE at ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na magpatupad ng voluntary regularization plan upang matugunan ang kontratuwalisasyon sa bansa.

Naniniwala si Labor Secretary Silvestre Bello III na maisakatuparan dito ang pangako ng pamahalaan na tapusin ang usapin ng kontraktuwalisasyon at mabigyang sapat na oportunidad ang mga manggagawa.

“We are confident that this agreement will set the stage for the massive regularization,” bahagi ng pahayag ni Bello.

Sa pagtaya ng ahensya nasa pagitan ng 30 hanggang 40 porsyento sa higit 3, 000 pre-identified na mga establisimiyentong na kasapi ng ECoP ang susunod sa kasunduan.

Kabilang sa nasabing kasunduan ang pag-regular ng mga employer sa manggagawang nasa ilalim ng illegal contracting arrangements.

Sa ensiklikal na Laborem Excersens ni St. John Paul II na dapat igalang ang karapatan ng bawat manggagawa sa iba’t ibang sektor at isaalang-alang sa pagpapalago ng ekonomiya, lipunan at mamamayan.

Nakatakda sa ika-8 ng Pebrero ang paglagda sa National Voluntary Regularization Plan kung saan inaasahang paunang 220, 000 manggagawa ang makikinabang.

Tiniyak din ng kalihim na bibigyan ng tatlong taon na moratoryo ang mga kompanya na makatutupad sa kasunduan kaya’t hindi ito bibisitahin ng mga Labor Law Compliance Officers upang mabigyang pagkakataon ang bawat establisimiyento.

“Yung mga Labor Law Compliance officers namin ay hindi muna dadalaw sa kanila except kung may complain,” dagdag pa ni Bello.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 13,588 total views

 13,588 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 88,202 total views

 88,202 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 168,281 total views

 168,281 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 211,420 total views

 211,420 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 211,676 total views

 211,676 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top