209 total views
HOMILY
MANILA ABP. LUIS ANTONIO CARDINAL TAGLE
BLESSING OF NEW FACILITIES OF SACRED HEART OF JESUS CATHOLIC SCHOOL
STA. MESA, MANILA
FEBRUARY 4, 2019
My dear brothers and sisters in Christ, we thank God for this beautiful day, ang ganda ng panahon and we thank God also for this day of grace and blessing, where we gather as one community to witness the blessing of our new facilities in the school.
So, congratulations po sa ating school community for this achievement.
We want to thank our brother priests from other schools and parishes the representatives of other Catholic Parochial schools and the representatives of the Department of Education, maraming salamat po sa inyong pakikiisa.
Salamat din sa mga magulang ng ating mga mag-aaral at ang bumubuo ng ating sambayanan dito sa Sacred Heart.
Whenever we blessed new facilities in the school we are joyful for that shows our commitment to improve our service of education to the community.
Hindi lamang po ito bagong mga facilities kun’di ito ay patunay na ang ating pananagutan, in this case pananagutan ng simbahan ng Archdiocese of Maynila na makapagbigay ng maayos at magandang edukasyon para sa mga kabataan.
Para sa mga bata, hoy mga bata tingin dito, makinig kayo kasi akala n’yo exempted kayo ang mga umattend ng misa may quiz mamaya! akala n’yo libre kayo ha, may quiz kayo kaya makinig kayo, may test pagkatapos nito.
At yung hindi makakapasa hanggang alas-sais kayo ng gabi dito, makinig na, makinig. Gamitin ninyo ng maayos ang mga facilities, pero sana hindi lamang yung facilities ang gumaganda at mag-iimprove, sana kayo [din].
Kayo mga bata, kayo sana ang mas gumanda at mas lumago, aanhin mo ang magandang facilities pero ang mga estudyante ay hindi naman nakakasabay sa improvement, kahit pa ipa-aircon natin ito first class pero kung yung estudyante hindi first class ano ang ipagmamalaki natin?
Pumunta kayo sa eskwelahan namin maganda ang gym, hindi naman ‘yung gym ang hinahanap, ang hinahanap anong klaseng estudyante at alumni, mayroon ang eskwelahan?
Sabi nga ng aking lolo at lola nung sila’y estudyante sa ilalim lang ng punong mangga, walang facilities pero naging mga mararangal na Pilipino at Kristiyano.
Huwag niyong sayangin ang mga facilities ang facilities na ito ay parang tulong sa inyong paglago, magiging sulit ang gastos at ang oras at ang pagod sa pagpapaganda ng facilities kung kayo ay mas maganda pa kaysa sa facilities na ito.
Kaya sa inyo mga bata mga estudyante sa ating mga teachers and school administrators, pinagkakatiwala ang mga facilities na ito not as a goal in themselves but as means to achieve the real goal, the formation of our students and young people.
Aaminin ko sa inyo nakakita lang ako ng computer, matanda na ako ha. Kayo elementary pa lang computer na, pero hindi pala requirement ang computer para maging pari. Pwede kang maging lingkod ng simbahan kahit hindi ka lumaki sa computer, kaya yung computer gamitin ninyo para lumago kayo sa pagiging mabuting tao. At ano yung mabuting tao? Ang mabuting tao na hinahanap natin ay yun ding mahusay na tagasunod kay Hesus, that is a mark of a catholic education, catholic school, human beings form in the light of discipleship.
At dito sa mga pagbasa natin makikita natin si Hesus mas malakas S’ya kesa sa kasamaan natakot sa kanya ang demonyo, dahil alam nila hindi sila mapapalayas nang kahit sinong tao pero kaya silang palayasin ni Hesus.
Dito sa tao na inaalihan ng demonyo ang dami ng nagsikap na tulungan s’ya pero walang makapagpalayas ng demonyo, si Hesus lamang. Ang demonyo ay takot kay Hesus, si Hesus hindi natatakot sa demonyo, si Hesus ang kinatatakutan ng demonyo.
Ang mga alagad ni Hesus dapat hindi natatakot sa demonyo, dapat ang demonyo ang natatakot sa atin dahil nasa atin si Hesus.
Mga estudyante kapag tinutukso ng demonyo huwag kayong matatakot, “Ito na ang tukso, ito na ang tukso, mahina ako, mahina ako, madadala ako.” Ba’t ikaw ang natatakot sa demonyo? Taglay mo ang pangalan ni Hesus, taglay mo ang pangalang Kristiyano dapat ang demonyo ang nanginginig sa iyo, “Kristiyano ito makalayo nga matatalo ako nito.”
Palakasin ninyo ang inyong pagkapit kay Hesus at kapag taglay nyo si Hesus manginginig lahat, manginginig pati ang demonyo. Maging daan tayo ng lakas ni Hesus, huwag tayong maging daan ng lakas ng demonyo. O mamili kayo ha, mamili kayo ngayon pa lang habang bata pa, sino ang susundan? Ang demonyo o si Hesus? Sagot. (crowd answers: Si Hesus!)
Si Hesus parang walang kalatoy latoy, si Hesus… No’ng bata ako may kanta, kay dami ng winasak na tahanan kay rami ng matang pinaluha, kay rami nang pusong sinugatan, oh tukso layuan mo ako.” Nakikita ko yung ka-generation ko sumusunod-sunod, yung mga bata hindi na makasunod, yung mga kababata ko sumusunod.
Sino kumanta nun? (crowd answered in chorus) Si Eva Eugenio, oo Eva Eugenio nga ba? Oh tama. Sino sagot nyo, mali, mali yung sagot ninyo kanina, sagot nila si Eva’t Adan mali yun si Eva Eugenio. Pero ang ganda ng kanta ha, “Oh tukso layuan mo ako!” May ano s’ya ha, may tapang para sabihin sa kasamaan “hoy huwag ako, huwag mo akong iismolin lumayo ka,” minsan tayo, “oh tukso narito ako, oh tukso mahina ako, oh tukso andito, yakapin mo ako!”
Aba hindi! Ang alagad ni Kristo naniniwala [na] malakas si Kristo at kayang sabihin sa ngalan ni Kristo, “O kasamaan, O korapsyon, O pandaraya, O fake news, O pagsalangsang sa buhay at dangal ng tao, lumayo ka tumahimik ka sa ngalan ni Hesus.
Kaya sinasabi sa unang pagbasa maraming tao hindi na nga natin kilala kung sino ang mga ito.
Si Gideon, si Barack, si Samson, si Jephthah, kilala natin ito si David, si Samuel, mga propeta dumaan sila sa maraming hirap, pero ano ang kinapitan nila, papanampalataya. Faith, confidence, kapag sinabing confidence ang buhay ko ang pundasyon si Hesus, at kapag sya ang pundasyon matatag ang pundasyon.
Kaya mga minamahal na estudyante maganda ang pundasyon ng ating building, maganda ang mga facilities sana kayo ang pundasyon ninyo si Hesus. Ang inyong pananampalataya at sa inyong paglago sa inyong pakikipagsapalaran sa buhay kapag dumating ang maraming paghihirap at tukso matatag kayo hindi dahil umaasa sa sarili lamang, hindi kayabangan sa sarili, ang tapang natin nanggagaling sa pananampalataya.
Si Hesus ay higit pa sa lahat, si Hesus ang makalulupig sa lahat ng kasamaan kaya sa kanya tayo sumasalig, sa kanya tayo umaasa at magiging totoo ang salmo responsoryo “Let your hearts take comfort all who hope in the Lord.”
Ang umaasa sa Panginoon ang puso mapayapa, ang umaasa sa Panginoon laging may consolation sa kanyang buhay, kasi alam nya nakasalig sya sa bato, sa pundasyon na si Hesus.
This is our prayer for the community, the educational community of our school Sacred Heart. May you grow in faith, may you be strengthen by your hope in Jesus Christ the rock of our life and our salvation and may all evil tremble before you because the evil one sees you bear the name and the presence of Jesus Christ. Let us pause and ask the Lord to give us that faith, that hope, that love that will be our response to evil and all the sufferings in the world.