VeritasPH

The Word, The Truth

Buhay ng Tao: Biyayang dapat pangalagaan at hindi dapat gawing kalakal

SHARE THE TRUTH

 171 total views

Higit pa sa salapi ang buhay ng tao.

Ito ang binigyang diin ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) sa pagdiriwang ng International Day of Awareness and Prayer against Human Trafficking.

Ayon sa Obispo, dapat pahalagahan at igalang ang dignidad ng bawat buhay ng tao dahil ito ang pinakamahalagang kaloob ng Panginoon sa sanlibutan.

“Children are not for sale. People are more than profits. Children are not commodity. They are human persons. Children are precious very special, and so important. They are for us God’s gift,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos.

Giit pa ng Obispo, ang tao ay hindi bagay na ginagamit bilang pang-aliw at kalakal sa halip ay banal na dapat pangalagaan at pahalagahan.

“People are not objects, nor tools for pleasure. Life is sacred, should always be spared and saved. We don’t sacrifice life rather we do sacrifices for life,” dagdag pa ni Bishop Santos.

Hinimok din ng Obispo ang mananampalataya na magkaisa sa pananalangin at paggawa ng mga hakbang na makatutulong labanan ang mga pang-aabuso sa lipunan lalu sa mga kabataan sa halip ay magkaisang isulong ang karapatan ng bawat mamamayan.

URI NG MGA TAONG NANG-AABUSO SA MAKABAGONG PANAHON

Inihalintulad ng Obispo kay Herodes at Herodias, mga karakter sa bibliya ang mga taong nang-aabuso sa kapwa sa makabagong panahon.

Tulad Herodes, ginagamit ng ilang indibidwal ang kapangyarihan at posisyon sa lipunan sa pang-aabuso sa mamamayan tulad ng pagpapalaganap ng mga maling impormasyon sa halip na ipalaganap ang katotohanan at pagpapanatili sa kapangyarihan kung naisasakripisyo ang moralidad ng tao dahil sa ilang mga polisiyang ipinatutupad.

Nilinaw ni Bishop Santos na ang kapangyarihan sa pamumuno sa lipunan ay ibinigay upang paglingkuran, itaguyod ang dignidad at karapatan ng nasasakupang mamamayan, at protektahan ito mula sa karahasan at pagkasira ng pamayanan.

“Authority is given to us for the service of our people. To protect them from death and destructions, to preserve and promote their rights and dignity,” pahayag ni Bishop Santos.

Ang mga tulad naman ni Herodias ang mga magulang at mga nakatatandang patuloy gumagawa ng mga labag sa batas at imoralidad na pilit itinuturo sa mga kabataan tulad ng paggamit sa mga menor de edad sa kahalayan, kalakalan sa ipinagbabawal na gamot at iba pang gawaing labag sa batas ng lipunan at kautusan ng Panginoon.

Ikinalungkot ni Bishop Santos ang pamamayani ng kasamaan sa lipunan bunsod ng ilang mga gawain ng nasa kapangyarihan at ilang mga magulang na naglalagay sa kapahamakan ng kanilang mga nasasakupan.

SAINT JOSEPHINE BAKHITA

Sa pagdiriwang ng World Day of Prayer and Awareness against Human Trafficking kasabay ng kapistahan ni Saint Josephine Bakhita, ipinanalangin ng Kaniyang Kabanalan Francisco ang malugod na pagtanggap ng lipunan sa mga biktima ng human trafficking, prostitusyon at iba pang biktima ng iba’t ibang uri ng karahasan at pang-aabuso sa lipunan alinsunod sa temang “Together against human trafficking”.

Si Saint Josephine Bakhita na patron ng Sudan Africa at mga biktima ng human trafficking ay biktima rin ng karahasan at pang-aabuso nang dukutin ng mga Arabo at gawing alipin matapos ay ikinalakal sa pamilihan ng El Obeid, Sudan.

Sinamantala ng karamihan ng mga pamilyang pinagsilbihan ni Josephine ang kaniyang kahinaan bilang bata tulad ng pisikal, sekswal at emosyonal na pang-aabuso.

Sa patuloy na paglalakbay bilang alipin, nasumpungan ng Santa ang komunidad ng Cannosian Sisters sa Venice Italy, bininyagan noong ika – 9 ng Enero 1890 at pinangalanang Josephine Margaret Fortunate.

Ika-8 ng Pebrero 1947 nang pumanaw ang Santa at sa huling hininga nito tinawag ang Mahal na Birhen “Our Lady, Our Lady.”

Idineklarang bilang Santo ng Simbahang Katolika si Saint Josephine Bakhita ng Oktubre 2000 ni Saint John Paul II.

Sa pagtaya ng International Labor Organizations (ILO) noong 2017 halos 25 milyong indibidwal ang biktima ng human trafficking sa buong mundo kung saan halos kalahati dito ay pawang kababaihan.

Sa ensiklikal na Evangelium Vitae ni Saint John Paul II binigyang diin dito na nararapat pahalagahan ang buhay ng tao sapagkat ito ay banal na kaloob ng Diyos sa tao at ito rin ang templo ng Panginoon.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 11,731 total views

 11,731 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 19,776 total views

 19,776 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 24,856 total views

 24,856 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 30,563 total views

 30,563 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 39,351 total views

 39,351 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa ika-5 AACOM

 2,489 total views

 2,489 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Cebu ang mananampalataya na makiisa sa ikalimang Asian Apostolic Congress on Mercy (AACOM). Ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, magandang pagkakataon ang pagtitipon upang magbuklod ang mananampalataya sa pag-asang dulot ng habag at awa ng Panginoon na ipinapadama sa sangkatauhan. “To hope is to believe in something good. But

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Day of prayer for WPS, isasagawa ng Archdiocese of Lingayen Dagupan

 2,497 total views

 2,497 total views Maglulunsad ng Day of Prayer for the West Philippine Sea ang Social Action Ministry ng Archdiocese of Lingayen Dagupan sa Pangasinan. Ito ang hakbang ng arkidiyosesis para isulong ang mapayapang pagresolba sa usapin ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea. Ipinabatid ng St. John the Evangelist Parish sa Infanta Pangasinan na mahalagang palakasin

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inanyayahan sa National Fatima convention

 3,049 total views

 3,049 total views Inaanyayahan ng World Apostolate of Fatima of the Philippines ang mananampalataya na lumahok sa isasagawang National Fatima Convention on the Centenary of the Five First Saturdays Devotion. Isasagawa ito sa December 10, 2024 sa Mary Mother of Hope Chapel ng Landmark Trinoma sa Quezon City. “Marian devotees, members of church organizations (Fatima and

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Isabuhay ang halimbawa ng Birhen ng Antipolo, habilin ng Obispo sa mga deboto

 3,081 total views

 3,081 total views Nagpasalamat si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga debotong nakiisa sa pilgrimage season ng diyosesis sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral. Sa pagatatapos ng Ahunan sa Antipolo nitong July 9,binigyang diin ng obispo ang paalalang bukas-palad na tinanggap ng Mahal na Birhen ang bawat debotong

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Aplikasyon na maging international shrine ang national shrine of St. Padre Pio, suportado ng CBCP

 4,125 total views

 4,125 total views Suportado ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang hakbang ng Archdiocese of Lipa na maging international shrine ang National Shrine of San Padre Pio sa Santo Tomas Batangas. Sa ginanap na press conference ibinahagi ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na sinang-ayunan ng buong kalipunan ang aplikasyon ng pambansang dambana

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Archdiocese of Cagayan de Oro, nagpapasalamat sa matagumpay na 128th-CBCP plenary assembly

 4,268 total views

 4,268 total views Nagpasalamat ang Archdiocese of Cagayan De Oro sa Panginoon sa paggabay sa matagumpay na makasaysayang pagtitipon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Mindanao. Ayon kay Archbishop Jose Cabantan, biyaya ng Diyos ang pagkakataong ibinigay ng CBCP sa arkidiyosesis na pangasiwaan ang pagtitipon ng mga pastol ng simbahang katolika sa bansa. “We

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pastoral exhortation sa 5-dekada ng Alay Kapwa Program, hiniling ng Caritas Philippines sa CBCP

 4,275 total views

 4,275 total views Isinusulong ng Caritas Philippines sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagpapalabas ng pastoral exhortation sa ikalimang dekada ng Alay Kapwa program ng simbahan. Sa panayam ng Radio Veritas sinabi ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na mas pinalawak nito ang programang Alay Kapwa upang higit na makapaglilingkod sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

2 national shrines, itinalaga ng CBCP

 4,579 total views

 4,579 total views Inaprubahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagtalaga ng national shrine ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Mercy sa Novaliches Quezon City at Diocesan Shrine of Our Lady of Assumption o Maasin Cathedral sa Leyte. Ginawa ang pag-apruba sa dalawang national shrines sa bansa sa unang araw ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

2 paring Cebuano, itinalaga ni Pope Francis sa Vatican

 6,958 total views

 6,958 total views Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco ang dalawang Cebuanong pari sa mga tanggapan ng Holy See sa magkakaibang lugar. Inihayag ng Archdiocese of Cebu ang pagtalaga ni Pope Francis kay Msgr. Jan Thomas Limchua bilang Counselor of the Apostolic Nunciature ng Kingdom of The Netherlands habang Attache ng Apostolic Nunciature of Ivory Coast naman

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Panalangin, hiling ng Obispo sa ika-128 CBCP plenary assembly

 7,474 total views

 7,474 total views Humiling ng panalangin ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa matagumpay na pagpupulong ng mga obispo sa Archdiocese of Cagayan de Oro. Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filippino chairperson, Antipolo Bishop Ruperto Santos, mahalaga ang panalangin ng mananampalataya para sa makabuluhan at mabungang pagtitipon na makatutulong

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagpapanibago ng puso ng mga taong nagsusulong ng digmaan, panalangin ni Pope Francis

 8,189 total views

 8,189 total views Hiniling ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Kamahal-mahalang Puso ni Hesus ang pagpapanibago ng puso ng mga taong patuloy na nagsusulong ng digmaan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ito ang bahagi ng panalangin ng santo papa sa lingguhang general audience sa Vatican sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo na tinaguriang Sacred Heart of

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Parangalan si Pope Francis, panawagan ng Papal Nuncio sa mananampalataya

 11,027 total views

 11,027 total views Inaanyayahan ng opisyal ng Vatican ang mga Pilipinong makiisa sa taunang pagdiriwang ng Pope’s Day sa June 29, 2024. Sa panayam ng Radio Veritas kay Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, inihayag nitong ito ang pagkakataong gunitain sa pamamagitan ng panalangin ang malaking tungkulin na ginagampanan ng santo papa sa simbahang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, hinimok ni Cardinal Advincula na maging matapang sa paghahayag ng katotohanan

 12,811 total views

 12,811 total views Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na maging matapang sa paghahayag ng katotohanan sa lipunan. Ito ang pagninilay ng cardinal sa paglunsad ng Rosas ng Sampiro Festival sa Makati City nitong June 23, 2024. Ayon sa arsobispo, tulad ng Mahal na Ina na buong tapang na nanatili sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Bagong Obispo ng Virac, sisikaping maging daluyan ng biyaya ng panginoon

 13,373 total views

 13,373 total views Tiniyak ng bagong obispo ng Diocese of Virac na gagampanin ang panibagong misyong kakaraharapin sa pagpapastol sa humigit kumulang 300-libong kawan sa lalawigan ng Catanduanes. Ayon kay Bishop Luisito Occiano hango sa kanyang episcopal motto na ‘Cum Gaudio Praedicare’ sisikapin nitong itaguyod at palaguin ang pananampalataya ng nasasakupang kawan at ipadama ang habag

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Kaparian, pinaalalahanan sa paggamit ng kapangyarihan

 13,448 total views

 13,448 total views Pinaalalahanan ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga pari lalo na ang mission directors na maging maingat sa paggamit ng kapangyarihang kaakibat sa pagtalagang tagapangasiwa sa kawang ipinagkakatiwala sa kanilang pangangalaga. Ito ang mensahe ni CBCP Episcopal Commission on Mission Chairperson, Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona sa pagbukas ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top