Church group, hinikayat ang publiko na manindigan para sa Katotohanan at Katarungan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 385 total reads

May magagawa ang bawat isa upang manindigan para sa ikabubuti ng bayan.

Ito ang inihayag ni Nardy Sabino, tagapagsalita ng Promotion of Church Peoples Response (PCPR) sa mga maaring gawing hakbang ng mamamayan upang ipakita ang paninindigan sa katotohanan, katarungan at kapayapaan na matagal ng hinahangad ng bawat isa para sa bayan.

Paliwanag ni Sabino, maaring ipahayag ang paninindigang ito sa sariling pamamaraan tulad na lamang ng pagpo-post sa kani-kanilang social media accounts, pagsisindi ng kandila at pag-aalay ng panalangin.

Sa ganitong paraan ayon kay Sabino ay maipapamalas sa bayan na mayroong ng liwanag sa gitna ng kadiliman sa bansa dulot ng karahasan, kaguluhan at kasinungalingan sa lipunan.

“Puwede po nating ipahayag yung atin pong kapahayagan para sa katotohanan, kagustuhan na magkaroon ng katotohanan, kagustuhan na magkaroon ng katarungan at yung pagnanais ng kapayapaan sa ating bayan magpost po tayo sa facebook, manalangi po tayo at kung maari po magtirik po tayo ng kandila bilang simbolo ng ating pagiging liwanag sa ating bayan,” bahagi ng pahayag ni Sabino sa panayam sa Radyo Veritas.

Nauna ng nagpahayag ng suporta ang PCPR sa pagtindig at paninindigan ng ilang mga Obispo laban sa mga marahas na mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte partikular na laban sa mga lingkod ng Simbahang Katolika.

Giit ni Sabino, mahalaga ang paninindigan ng mga Obispo at iba pang lingkod ng Simbahan bilang moral compass ng lipunan sa pamamagitan ng patuloy na pagpapaalala at pagsusulong ng Ebanghelyo at Mabuting Balita ng Diyos.

Sa tala, sa ilalim ng Administrasyong Duterte umabot na sa 3 pari ang napaslang habang higit naman sa 20 libo ang bilang ng mga pinatay dulot na rin ng war against drugs policy ng pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 47,243 total reads

 47,243 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 96,979 total reads

 96,979 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 144,850 total reads

 144,850 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 248,799 total reads

 248,799 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 332,507 total reads

 332,507 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top