Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Solemn Declaration of the Archdiocesan Shrine of Santo Niño at Tondo, Manila

SHARE THE TRUTH

 354 total views

Homily
Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle
Solemn Declaration of the Archdiocesan Shrine of Santo Niño – Tondo, Manila
February 5, 2019

Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, magpasalamat po tayo sa Panginoon sa napakagandang okasyon.

Tinipon niya tayo, napakarami po natin sa gabing ito upang siya ay papurihan. At isang pagbati lalo na sa bumubuo ng Parokya ng Sto. Niño de Tondo, ngayon po ang ating simbahan ay dambana na rin, Archdiocesan Shrine ng Sto. Niño. At binabati rin po natin ang mga pilgrims na dumating ngayon, puwede pong malaman sino po ang hindi taga-parokya ng Sto. Niño na nandito ngayon? (Some raise their hands)

Ayan, talagang Shrine, kasi may pilgrims. Ang pagiging Archdiocesan Shrine ay hindi lamang po isang titulo ng karangalan, ito po ay titulo ng misyon.

Una, sa pagpapalalim ng debosyon kay Kristo na sanggol na anak ng Diyos, kaya ang debosyon na ito ay magiging daan ng Evangelization – pagpapalalim ng pagtanggap natin sa mabuting balita at pagsasabuhay lalo na sa liwanag ng misteryo ni Hesus na naging tao at naging sanggol, naging bata.

Kasama sa misyon ng isang Shrine ay ang pag-welcome, pagtanggap sa mga pilgrims simula sa mga Parokya ng Archdiocese at hari nawa galing din sa iba pang mga Dioceses upang dito makatagpo sila ng tahanan, makatagpo ng pananalangin, pagdarasal, pagmimisa na nakakapukaw ng puso at damdamin.

Dito matagpuan nila ang Diyos na kanilang hinahanap, dito maghahatak pa sila ng iba pang mga pilgrims dahil napakasarap namnamin ang presensya ni Kristo.

Mga kapatid lalo na ang mga bumubuo ng sambayanan ng Sto. Niño de Tondo sa pagtanggap po ninyo sa titulo ng Archdiocese & Shrine, tinatanggap din ba ninyo ang misyon ng pagiging Archdiocesan Shrine? (Crowd answers: Opo)

Ayan, Mabuhay! Mabuhay ho kayo. Babalik kami para tingnan kung ginagawa yung misyon ng pagiging Shrine. At ano naman po kaya ang natatanging konrtibusyon ng Archdiocesan Shrine ng Sto. Niño?

Hayaan po ninyong magmungkahi ako ng tatlo, na batay sa mga pagbasa, batay sa misteryo ni Kristong sanggol, anak, bata.

Una, mula kay propetang Isaias, pinakita po sa atin ang pangitain ng propeta na ang panahon ng digmaan, ang panahon ng pagsisiraan, ang panahon na ang kapwa ay niyuyurakan, panahong nagdudulot ng dilim ay mapapalitan ng tuwa, ng liwanag, ng kapayapaan, dahil isang sanggol ang isisilang sa atin at ang sanggol na ‘yan ay pagkakalooban ng trono ni David.

Pero hindi lamang siya magtutuloy ng pagkahari ni David, ang kanyang paghahari sabi ni Isaias ay isasagawa ng makapangyarihang Diyos.Pananalitihin niya ang katarungan at katwiran.

Iyan ang paghahari ni Hesus na sanggol, hindi ang paghahari na naghaharian hanggang matapakan ang kapwa, kundi ang paghahari ng Diyos na ibinabalik ang katarungan, katwiran dahil ito ang gusto ng Ama. Ito ang gusto ng Ama, kaya ang anak gagawin ang gusto ng Ama. Tapos na ang digmaaan, tapos na ang siraan, tapos na ang dilim, simula na, katarungan, katwiran, tuwa, kapayapaan. Iyan po ang una na dulot ng Sto. Niño, sana dito sa Archdiocesan Shrine ng Sto. Niño matutunan ng buong Archdiocese, matutunan ng lahat ng Pilgrims kung ano ang gusto ng Diyos Ama na paghahari.

Katwiran, Katarungan, Tuwa at Kapayapaan. Sana dito sa ating Archdiocesan Shrine magkaroon ng isang Evangelization Program tungkol dito sa pamamahala ng isang sanggol. Papaano mamahala ang sanggol na anak ng Diyos.

Ikalawa po, mula sa sulat ni San Pablo sa mga taga-Efeso, isa na namang tatak ni Kristong Anak, sanggol. Sabi po ni San Pablo, “Sa pamamagitan ni Hesus na anak ng Diyos, tayong lahat ay nabigyan ng Spiritual Blessing.”

Ano yon? Hindi lamang mga materyal na blessing, kasama rin yon, pero ang pinakamalalim na blessing ay ang tayo’y ituring na mga anak ng Diyos. Ibinahagi ni Hesus, na sanggol at anak, ang kanyang pagiging anak ng Diyos. Hindi niya sinarili, tayo, sa pamamagitan ng kanyang pangalan, ay naging mga anak na ampon ng Diyos.

Ibig sabihin, sharing, ang Sto. Niño mapagbahagi, hindi spirituality ng Sto. Niño ang magkamkam, “akin lang ito.” Ang Sto. Niño ibabahagi niya pati yung biyaya na natatangi sa kanya, ang pagiging Anak. Kaya tayo ay mga anak ng Diyos din, sana ang ating Archdiocesan Shrine ng Sto. Niño maging center of Sharing! Dapat sa lugar na ito walang maramot. Dapat sa Sto. Niño de Tondo Shrine ang lifestyle ay sharing, magbahagi, kasi iyon ang spiritualidad ng Sto. Niño. Sabagay, marami na po talagang programa ng sharing dito sa ating Shrine – ang Feeding Program, ang mga Livelihood Program – dagdagan pa, Sharing, dahil yan ang pamamahala ng Sto. Niño.

Ikatlo, sa ebanghelyo, si Hesus dinala ni Maria at Jose taun-taon sa Jerusalem, sa Piesta. Pwede nating baguhin, dinala ni Maria at Jose ang batang si Hesus sa Tondo, piyesta. Pag-uwi nila naiwan ang bata sa Tondo, pero hinanap nila, at nakita nila yung bata, nakikipagtalastasan sa mga guro ng salita ng Diyos, ibig sabihin naturuan na rin ni Maria at Jose ang batang ito tungkol sa salita ng Diyos.

At noong tinanong ni Maria, ‘anak bakit naman ganyan ang ginawa mo sa amin?’ sabi naman ni Hesus, ‘eh bakit ninyo ako hinahanap?’ Naku, kapag ganiyan ang sagot ng bata ngayon sasabihin ng aman, “Aba, ang batang ito bakit ganyan sumagot?!

Hindi naman ganoon ang ginawa ni Jose kasi sinundan agad ni Hesus, ‘hindi ba ninyo alam na ako’y dapat nasa bahay ng aking Ama? Tinutupad ko ang misyon na binigay sa akin ng aking Ama, pero bagamat siya ang anak ng Diyos, nagpasailalim si Hesus kay Maria at Jose.

Umuwi kasama nila, at sa piling ni Maria at Jose, lumago, lumaki si Hesus sa karunungan at siya’y kinalulugdan ng Diyos. Sana po ang ating Archdiocesan Shrine ay maging sentro rin ng Family Ministry.

Mga magulang, saan ninyo dinadala ang inyong mga anak, sa simbahan ba? O bitbit sa shopping mall lang? O bitbit lang sa restaurant? Si Maria’t Jose bitbit ang bata sa bahay ng Diyos para ipakilala ang Diyos.

Si Maria at Jose noong nawawala ang anak, hinanap, bumalik sa Jerusalem. Mga magulang kapag hindi pa umuuwi pa anak na ninyo, hinahanap ba ninyo? Dito sa Tondo lahat ng magulang hahanapin ang kanilang anak. Dito sa ating Shrine, walang anak na mapapabayaan. Dito sa Shrine walang magulan na, tuloy lang ang tong-its kahit hindi pa umuuwi ang anak, tuloy lang ang ‘lok-lok-lok-lok-lok’, kahit ang anak ay hindi pa kumakain.

Ang Sto. Niño hinanap nila Maria at Jose, dito sa Shrine lahat ng Maria, lahat ng Jose hanapin ninyo ang inyong anak. Dito sa Shrine, lahat ng bata, lalago sa biyaya at karunungan sa kanilang pamilya. Hindi matututunan ng anak sa bahay ang pagmumura.

Hindi matututunan ng bata sa pamilya ang kagaspangan ng ugali. Hindi sa pamilya dapat matutunan ag bisyo. Katulad ng Sto. Niño, sa pamilya niya lumago siya sa karunugan at kinalugdan ng Diyos at kapwa.

Iyan ang pamilya ni Hesus, iyan ang pamilya ng, sana, dito sa Archdiocesan Shrine.

Tatlo ho, marami pa sana pero tama na muna, pasimula pa lamang, sabi ninyo kanina, ‘opo,tinatanggap namin ang misyon ng pagiging Shrine ng Sto. Niño’ mungkahi po, misyon para ipakita, papaano ba mag-hari ang batang si Hesus? – hindi digmaan at paninira kundi katwiran, katarungan, tuwa, kapayapaan.

Ikalawa, Sharing. Hindi sinasarili, inaangkin, ang mga biyayang tinanggap sa Ama. At ikatlo, isang magandang pamilya, kung saan ang bata ay mahalaga, hinahanap, inaaruga, pinalalago sa katarungan, karunungan at maging kalugud-lugod sila sa mata ng Diyos.

Tayo po’y tumahimik sandali. At sa pagpapasalamat ay tanggapin natin muli ang misyon ng pagiging Shrine ng Archdiocese of Manila sa karangalan ng Sto. Niño de Tondo.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 22,251 total views

 22,251 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 33,326 total views

 33,326 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 39,659 total views

 39,659 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 44,273 total views

 44,273 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 45,834 total views

 45,834 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Banal na Misa sa New Bilibid Prison, Maximum Security – December 21, 2019

 6,726 total views

 6,726 total views Mga kapatid, magandang umaga po sa inyong lahat. Magpasalamat tayo sa Diyos, binigyan N’ya tayo ng magandang panahon, at nagkakasama-sama po tayo. Sabi ni sister, first time kong magmisa sa covered court, kasi dati sa chapel, e ito nga malaki nga ang covered court parang na doble yata ang attendance, natriple pa, so

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle on the 60th Anniversary of Manila Archdiocesan and Parochial Schools Association (MAPSA)

 6,725 total views

 6,725 total views Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle on the 60th Anniversary of Manila Archdiocesan and Parochial Schools Association (MAPSA) November 15, 2019 – Manila Cathedral My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks to God for this beautiful day. We also give thanks to God for bringing us together as

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Pandaigdigang Araw ng mga Mahihirap November 16, 2019, San Andres, Maynila

 6,683 total views

 6,683 total views Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, muli po, nagpapasalamat tayo sa Diyos na tayo ay magkakasama muli sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng mga Mahihirap. Ito po ay sinimulan ni Pope Francis, sabi n’ya meron tayong World Youth Day, meron tayong World Meeting of Families, dapat magkaroon tayo ng World Day of the

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Mass for the Deceased Priests and Religious Arzobispado de Manila Chapel, Intramuros November 8, 2019

 6,695 total views

 6,695 total views We thank God for bringing us together, and we thank God for this beautiful practice, a beautiful tradition in our Archdiocese [where we] dedicate one morning of Eucharistic to remember our Bishops, Priests, I don’t know if we have deacons, and religious men and women. Of course we do not forget our beloved

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Banal na Misa ng pagluluklok sa Sto. Niño de Tondo sa Manila Cathedral – October 19, 2019

 6,736 total views

 6,736 total views Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya. Una po sa lahat, magpasalamat at magpuri tayo sa Diyos na Siyang nagtipon sa atin, bilang isang simbahan. Upang sa pagdiriwang ng Eukaristiya, tayo ay mapanibago Niya, mapalakas, bilang tunay na sambayanang kristiyano, nabubuhay sa salita ng Diyos, sa katawan at dugo ni Kristo, at sa ating

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Mass and blessing of the new facilities of the Holy Trinity Academy, Sampaloc, Manila October 11, 2019

 6,693 total views

 6,693 total views My dear brothers and sisters in Christ, we thank God and praise God for this beautiful day and we thank God for bringing us together as one community. Puwedeng malaman sino sa inyo ang pinaka bata? (Some students raised their hand) Meron bang nasa grade 1? Naku, wala? So anong grade kayo? (Crowd

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Kapistahan ni San Miguel at mga Arkanghel- National Shrine of Saint Michael and the Archangels September 30, 2019

 6,779 total views

 6,779 total views Mga minamahal na kapatid sa ating pananampalataya, nagpapasalamat po tayo sa Panginoon sa pagtitipon na ginawa N’ya sa atin ngayong linggong ito. Tuwing linggo, ang bayan ng Diyos ay nagpapasalamat sa paggunita sa tagumpay ni Kristo laban sa kamatayan at kasalanan, at tuwing linggo, harinawa, tayo rin bilang katawan ni Kristo ay nakikiisa

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Misa ng Kapistahan ng Mater Dolorosa Parish, East Rembo, Makati

 6,663 total views

 6,663 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Misa ng Kapistahan ng Mater Dolorosa Parish, East Rembo, Makati September 15, 2019 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, tayo po ay nagbibigay puri at pasasalamat sa Diyos. Siya po ang nagtipon sa atin bilang isang sambayanan, bilang isang komunidad, bilang isang simbahan o parokya. Lalo

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle World Day of Prayer for Care of Creation at Quezon Memorial Circle

 6,657 total views

 6,657 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle World Day of Prayer for Care of Creation September 1, 2019 Quezon Memorial Circle My dear sisters and brothers in Christ, maganda at mabuting umaga po sa inyong lahat. I noticed that our commentator did not say, “Please be seated,” she’s very realistic. Alam n’ya na

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Kayabangan ng tao, dahilan ng pagkasira ng kalikasan

 6,730 total views

 6,730 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Abp. Luis Antoni Cardinal Tagle ang pagbubukas ng Season of Creation ngayong unang araw ng Septyembre 2019 sa Liwasang Aurora Quezon Memorial Circle. Kaisa sa banal na misa sina Cubao Bishop Honesto Ongtioco at Kalookan Bishop Pablo Virgiliio David. Sa pagninilay ni Cardinal Tagle, binigyang diin nito ang

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila of Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Episcopal Ordination of Bp. Roberto Gaa at Manila Cathedral

 6,875 total views

 6,875 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Episcopal Ordination of Bp. Roberto Gaa Manila Cathedral August 22, 2019 My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks and honor to God who has gathered us as one community, as one church in this beautiful day, the Memorial of the Queenship of Our

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle during the Send –Off Mass for Volunteers and Staff of PCNE at University of Santo Tomas

 6,710 total views

 6,710 total views Homily of Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle during the Send –Off Mass for Volunteers and Staff of PCNE University of Santo Tomas July 16. 2019 My dear brothers and sisters in Christ, we thank God for bringing us together on this almost rainy day so that in the Eucharist we will

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Maging maawain, mahabagin, at totoo sa kapwa

 6,758 total views

 6,758 total views Ito ang hamon ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mananampalataya, kasabay ang pagdiriwang ng ika-20 Anibersaryo ng pagtatalaga sa Shrine of Jesus the Way the Truth and the Life. Ayon kay Cardinal Tagle, ang bawat mananampalataya ay nagnanais na makasunod kay Hesus, subalit hindi ito madali dahil kinakailangang tularan ng

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Dakilang Kapistahan ng Corpus Christi Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament at Sta. Cruz Parish

 6,718 total views

 6,718 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Dakilang Kapistahan ng Corpus Christi Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament, Sta. Cruz Parish June 23, 2019 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, tayo po ay magpasalamat sa Diyos, na S’yang nagtipon sa atin bilang isang simbahan, sambayanan, isang pamilya ng pananampalataya, at tayo po ay

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homilya ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon – April 18, 2019 – Manila Cathedral

 6,676 total views

 6,676 total views Mga minamahal na kapatid kay Hesukristo, magpasalamat po tayo sa panginoon tayo ay tinipon niya para sa pagsisismula ng ating pagdiriwang ng pagpapakasakit, kamatayan at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukrito. At sa gabing ito atin pong ginugunita sa pagtatakip- silim ang hapunan na tinawatawag nating huling hapunan ng Panginoon kasama ang kanyang mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top