Mga nasunugan sa Bataan, binisita ni Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 720 total reads

Personal na pinangunahan ni Diocese of Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos ang pagbisita at pagtingin sa kalagayan ng mga residenteng biktima ng sunog na naganap sa Sitio Depensa, Capunitan, Orion, Bataan na pansamantalang tumutuloy sa mga kalapit paaralan.

Ayon sa Obispo, higit na mahalaga sa mga ganitong pagkakataon ang pagkakaisa ng mga mamamayan upang mabigyan ng tulong at paggabay ang mga residenteng biktima ng naganap na sunog.

Hinimok rin ni Bishop Santos ang bawat isa na ipanalangin na matagpuan sa Panginoon ng mga residenteng nasaktan, nawalan ng tahanan at nakararamdam ng pangamba ang kapanatagan, katiwasayan at pag-asa upang muling makabangon matapos ang trahedya.

“Tragedy struck Sitio Depensa in Barangay Capunitan of the Town Orion. There was fire which left 1,018 families homeless. In this moment we have to unite, help one another and hold on to God. Don’t lose hope. There would be healing. And we can rise again.” Pagbabahagi ni Bishop Santos.

Ibinahagi rin ng Obispo ang pagtutulungan ng Simbahan at ng lokal na pamahalaan ng Orion Bataan sa pagbibigay ng tulong sa mga residente upang muling makapagsimula matapos na mawalan ng mga tahanan at mga ari-arian.

Inihayag ni Bishop Santos na mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t-ibang sektor ng lipunan upang ganap na matulungan at matugunan ang pangangailangan ng mga residente.

“The Church and Municipality of Orion with mayor Antonio Raymundo are one, united for welfare and wellbeing of their people. Together we are strong. Together we could do better. Be with us to build up again their dreams.” Dagdag pa ni Bishop Ruperto Santos.

Batay sa tala, aabot sa 1,018 pamilya ang nawalan ng tahanan dahil sa naganap na sunog sa baybaying dagat ng Orion noong ika-29 ng Enero, 2019.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 49,956 total reads

 49,956 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 99,485 total reads

 99,485 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 147,356 total reads

 147,356 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 251,305 total reads

 251,305 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 334,914 total reads

 334,914 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top