CBCP, may paalala sa outbreak ng tigdas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 655 total reads

Nagpaalala si Father Dan Vicente Cancino, Jr, M.I. Executive Secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Health Care sa patuloy na pagdami ng mga nagkakasakit at namamatay mula sa sakit na tigdas.

Apat na mahalagang paalala ang inilahad ng pari, upang maiwasang mahawa o makahawa ng kumakalat na sakit.

Una dito, sinabi ni Father Cancino na hindi dapat matakot pabakunahan ang mga bata o maging ang mga may edad na lalo na ng mga up-to-date vaccination. Tinukoy ng Pari ang pahayag ng mga eksperto na maaari na ring mabigyan ng bakuna ang mga sanggol kahit anim na buwan pa lamang dahil sa measle outbreak.

Pangalawang paalala ng pari, ay ugaliing maghugas ng kamay, at ituro din ito sa mga bata, dahil ang proper sanitation ay dagdag proteksyon sa kalusugan ng bawat isa.

Bukod dito, ipinaliwanag din ng Pari ang kampanya nitong UBOKABULARYO na nangangahulugang:

U– Umubo at Bumahing gamit ang panyo o tissue,
M– Magtakip ng ilong at bibig kapag may umubo o bumahing malapit sa iyo at
U – Ugaliing sa tamang lugar at paraan ang pagdura sa kalsada at sa lupa. Gumamit ng tissue o papel at itapon ito sa basurahan,
B – Bigyang halaga ang paghuhugas ng kamay na may sabon o handwash,
O – Okay lang na gamitin ang manggas o loob ng damit kapag walang panyo o tissue.

Huling payo ni Father Cancino na magpakonsulta sa doktor, sakaling makaranas ng mga sintomas ng tigdas, at manatili na lamang sa tahanan kung mayroon nang karamdaman.

“Ang episcopal Commission on health care po ay patuloy na magbibigay ng proper information about measles including yung necessity to vaccinate ang ating mga children primarily doon sa mga areas na may outbreak at this is done by our parish based healthcare workers sa ating mga diyosesis at ipagpapatuloy po natin ang ating pagdarasal sa mga pamilya at batang apektado ng sakit.” pahayag ni Father Cancino sa Radyo Veritas.

Sa huling ulat ng Department of Health noong ika-16 ng Pebrero, mahigit na sa 8,000 ang measles cases sa bansa simula noong unang araw ng Enero 2019.

Una na ring hinimok ni Archdiocese of Nueva Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona sa kanyang Pastoral Letter ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak upang maiwasang magkaroon ng sakit na tigdas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 47,203 total reads

 47,203 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 96,943 total reads

 96,943 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 144,814 total reads

 144,814 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 248,763 total reads

 248,763 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 332,473 total reads

 332,473 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 41,879 total reads

 41,879 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 34,759 total reads

 34,759 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top