Ituloy ang spirit of EDSA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 574 total reads

Ang mga alaala ay dapat na patuloy na magbigay alab sa paninindigan ng mamamayan sa kapayapaan, katarungan at demokrasya ng bayan.

Ito ang inihayag ni Rev. Fr. Benigno Beltran, SVD na isa sa mga ginawaran ng Spirit of EDSA & Good Citizenship Movement Award kasabay ng ika-33 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

“Dapat yung alaala magbibigay alab uli kasi hindi pa naman tapos yung pakikipaglaban sa kapayapaan, katarungan, kailangan ipagtanggol pa ang kalikasan dapat ituloy yung spirit of EDSA…” pahayag ni Fr. Beltran sa panayam sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag ng Pari na nananatili pa rin ang pagkakahati-hati ng lipunan kung saan iilang mayayaman at prominenteng pamilya pa rin ang naghaharing-uri at hindi pa rin ganap na natatamasa ang kapayapaan at kaayusan sa bansa.

Nanindigan si Father Beltran na marapat maging buo ang paninindigan ng mamamayan sa pagsusulong ng kapayapaan, katarungan at demokrasya tulad ng diwa ng bloodless revolution.

“Ganun pa rin yung pagkahati-hati na ilang daang pamilya lang ang naghaharing-uri sa ating bansa ganun pa rin hindi na bago yan, tapos hindi pa rin tayo lubusang mapayapa at lalong sumama ang kalagayan ng ating kapaligiran na nanganganib ang buhay ng maraming tao, dapat doon ang spirit of EDSA…” Dagdag pa ni Fr.Beltran.

Ginawaran si Fr. Beltran ng EDSA People Power Commission ng Spirit of EDSA & Good Citizenship Movement Award noong ika-25 ng Pebrero dahil sa kanyang naging malaking ambag sa pagtataguyod ng kapakanan at pag-unlad ng buhay ng may 25,000 residente ng Smokey Mountain sa Tondo, Manila.

Ang naturang pagkilala ay iginawad bilang bahagi ng paggunita sa ika-33 anibersaryo ng EDSA People Revolution na mayroong temang EDSA 2019: Pagkakaisa Tungo sa Pambansang Kapayapaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 74,717 total reads

 74,717 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 122,525 total reads

 122,525 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 170,396 total reads

 170,396 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 274,343 total reads

 274,343 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 356,960 total reads

 356,960 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top