Walk the talk, tiniyak ng Diocese of San Carlos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 511 total views

Tiniyak ni Diocese of San Carlos Bishop Gerardo Alminaza na hindi nito kukunsintihin o pagtatakpan kung mapatutunayan ang akusasyon sa isang paring nang molestya ng menor-de-edad.

Sinabi ni Bishop Alminaza na nakakalungkot at masakit sa kalooban ang pangyayari, hindi lamang para sa biktima at sa kan’yang pamilya kungdi maging sa mga Pari at sa buong Simbahan.

Nilinaw din ni Bishop Alminaza na ang pag-tatanggal sa pari sa kan’yang puwesto ay hindi nangangahulugan ng pagtatago dito.

Ipinaliwanag ng Obispo na mayroong proseso at batas na sinusunod ang simbahan pagdating sa pag-iimbestiga at pagbibigay ng pastoral care sa akusadong pari upang mabigyan ito ng pagkakataong makapagnilay at maihanda ang kan’yang sarili sa pagharap sa alegasyon at mga pag-susuri.

Nangako si Bishop Alminaza na aalamin nito ang katotohanan at magiging patas at makatarungan sa dalawang panig.

“We are committed to search for truth and to make sure the process will be fair and just to both parties and whoever is responsible will have to face the consequences. While our Holy Father is calling for us “all-out-battle” against the sexual abuse of minors, and to turn this evil into an “opportunity for purification”, we in the Diocese of San Carlos is challenged to “walk the talk”.” Bahagi ng opisyal na pahayag ni Bishop Alminaza.

Sa kasalukuyan, nakipag-ugnayan na ang Diocese of San Carlos sa biktima at sa kan’yang pamilya, bilang pagtalima sa panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco na paigtingin ang pagprotekta sa mga kabataan sa halip na protektahan ang institusyon.

Nanawagan din ang Obispo sa mga mananampalataya na ipanalangin ang mabilis na paglutas sa kaso at upang gabayan ng Panginoon ang biktima, ang kan’yang pamilya at ang buong simbahan na nakikiramay at nakikiisa sa pighati ng mga nakaranas ng seksual na pang-aabuso.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 15,175 total views

 15,175 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 89,789 total views

 89,789 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 169,868 total views

 169,868 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 213,007 total views

 213,007 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 213,172 total views

 213,172 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 347,518 total views

 347,518 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top