Ituloy ang spirit of EDSA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 477 total views

Ang mga alaala ay dapat na patuloy na magbigay alab sa paninindigan ng mamamayan sa kapayapaan, katarungan at demokrasya ng bayan.

Ito ang inihayag ni Rev. Fr. Benigno Beltran, SVD na isa sa mga ginawaran ng Spirit of EDSA & Good Citizenship Movement Award kasabay ng ika-33 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

“Dapat yung alaala magbibigay alab uli kasi hindi pa naman tapos yung pakikipaglaban sa kapayapaan, katarungan, kailangan ipagtanggol pa ang kalikasan dapat ituloy yung spirit of EDSA…” pahayag ni Fr. Beltran sa panayam sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag ng Pari na nananatili pa rin ang pagkakahati-hati ng lipunan kung saan iilang mayayaman at prominenteng pamilya pa rin ang naghaharing-uri at hindi pa rin ganap na natatamasa ang kapayapaan at kaayusan sa bansa.

Nanindigan si Father Beltran na marapat maging buo ang paninindigan ng mamamayan sa pagsusulong ng kapayapaan, katarungan at demokrasya tulad ng diwa ng bloodless revolution.

“Ganun pa rin yung pagkahati-hati na ilang daang pamilya lang ang naghaharing-uri sa ating bansa ganun pa rin hindi na bago yan, tapos hindi pa rin tayo lubusang mapayapa at lalong sumama ang kalagayan ng ating kapaligiran na nanganganib ang buhay ng maraming tao, dapat doon ang spirit of EDSA…” Dagdag pa ni Fr.Beltran.

Ginawaran si Fr. Beltran ng EDSA People Power Commission ng Spirit of EDSA & Good Citizenship Movement Award noong ika-25 ng Pebrero dahil sa kanyang naging malaking ambag sa pagtataguyod ng kapakanan at pag-unlad ng buhay ng may 25,000 residente ng Smokey Mountain sa Tondo, Manila.

Ang naturang pagkilala ay iginawad bilang bahagi ng paggunita sa ika-33 anibersaryo ng EDSA People Revolution na mayroong temang EDSA 2019: Pagkakaisa Tungo sa Pambansang Kapayapaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 12,198 total views

 12,198 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 86,812 total views

 86,812 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 166,891 total views

 166,891 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 210,030 total views

 210,030 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 210,371 total views

 210,371 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top