OFW’s, hinikayat na iboto ang tapat na lingkod ng bayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 618 total reads

Mahalagang isaisip sa pagpili ng mga kandidatong ihahalal sa nalalapit na halalan ang kapakanan ng mga Filipinong migrante sa iba’t ibang bansa.

Ito ang bahagi ng homiliya ni Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos, Chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People sa paggunita sa 33rd National Migrants’ Sunday na may temang “Stateless Filipino Children: A Challenge for the Church”.

“Ating pagnilayan ay hindi kung sino ang iboboto bagkus kung papaano tayo boboto, at sa pagboto tingnan niyo ang ating overseas Filipino Workers, sila (mga OFW) na batid natin ay kilalang-kilala sa buong daigdig para sa amin sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission for the Pastoral Care of Migrants and Itinerant People sa tatlong katangian. Ano po ito? Madaling tandaan sapagkat nagsisimula sa letter ‘H’ Honesty, Hardworking and Helpful kaya naman ang inyong iboboto ay nararapat kagaya rin ninyo,” ang bahagi ng homiliya ni Bishop Santos.

Giit ng obispo, mahalagang piliin ng mga botante ang mga kandidatong nagtataglay ng katapatan, kasipagan at pagiging matulungin sa kapwa kahalintulad ng katangian taglay ng mga Overseas Filipino Workers.

“Alalahanin po natin na ang tungkulin sa pamahalaan ay hindi gatasan, hindi upang magpayaman at hindi upang makakuha ng pribilehiyo. Piliin po natin yung kagaya ninyo na matapat at tapat sa gawain,” dagdag pa ni Bishop Santos.

Paliwanag ng obispo, mahalaga ang katapatan ng mga opisyal ng pamahalaan hindi lamang sa salita kundi sa gawa kaakibat ang pagpapahalaga sa buwis ng mamamayan.

Taong 2018 ay naitala ang 21-billion US dollars na remittances na mas mataas ng 2.5-porsyento noong 2017

Taong 1987 nang itinalaga ng mga obispo ng simbahang katoliko sa Pilipinas ang paggunita ng National Migrants’ Sunday upang pagtuunan ng pansin ang kalagayan ng mga migrante lalu na ang sitwasyon ng mga manggagawang Filipino sa ibayong dagat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 213,910 total reads

 213,910 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 248,583 total reads

 248,583 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 264,483 total reads

 264,483 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 300,973 total reads

 300,973 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 306,875 total reads

 306,875 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 47,065 total reads

 47,065 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top