EJK families, mananatili ang hamon sa ICC na parusahan ang Pangulong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 510 total reads

Mananatili ang hamon at paghahanap ng katarungan ng mga pamilyang naulila sa marahas na War on Drugs ng pamahalaan sa International Criminal Court o ICC sa kabila ng opisyal na pagkalas ng Pilipinas sa hurisdiksyon ng korte.

Ayon kay Bro. Nardy Sabino, spokesperson ng Promotion of Church People’s Response, sa kabila ng pagkalas ng Pilipinas mula sa Rome Statute na siyang Treaty o tratadong lumikha ng International Criminal Court (ICC) na niratipikahan ng Pilipinas noong 2011 ay mananatili ang apela na mapanagot ang administrasyong Duterte sa maraming pagpatay sa bansa.

“Nananatili po yung hamon ng mga pamilya lalo na po yung mga nag-complain sa ICC mismo na ipagpatuloy po yung imbestigasyon at prosekyusyon ni Pangulong Duterte sa kanyang mga ginawa na nagdulot ng maraming patayan sa ating bayan…” pahayag ni Sabino sa panayam sa Radio Veritas.

Noong nakaraang taon, kinundena ng Pangulong Duterte sinasabing international bias ng United Nations Special Rapporteurs na pumupuna at pinalalabas na marahas at lumalabag sa karapatang pantao ang kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

Dahil sa pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute ay maaalis na rin sa hurisdiksyon ng International Criminal Court (ICC) ang bansa kung saan may nakasampang kaso laban sa madugong implementasyon ng War on Drugs ng administrasyong Duterte.

Sinasabi ng iba’t-ibang human rights group na mahigit na sa 20,000 katao ang nasawi sa marahas na kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

Kaugnay nito,nasasaad sa Encyclical ni Pope Leo the 13th noong 1891 na Rerum Novarum na bahagi ng Panlipunang Turo ng Simbahan na kabilang sa mga katungkulan ng mga otoridad na supilin at parusahan ang mga lumabag sa karapatang pantao at dignidad ng bawat isa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 14,368 total reads

 14,368 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 101,603 total reads

 101,603 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 148,343 total reads

 148,343 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 196,215 total reads

 196,215 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 299,645 total reads

 299,645 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top