Mamamayan, inaanyayahang makiisa sa “Confessio Peccati”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 701 total views

Inanyayahan ng Association of Major Religious Superiors of the Philippines ang mga mananampalataya na makiisa sa pagdaraos ng Confessio Peccati.

Ayon kay Father Angel Cortez, OFM – Executive Secretary ng AMRSP, layunin nitong mahimok ang mga mananampalataya na magnilay at pagsisihan ang mga nagagawang kasalanan.

Nilinaw ni Father Cortez na hindi lamang para sa mga pari, relihiyoso at relihiyosa ang pagtitipon kungdi lalong lalo sa mga kabataan.

“Ngayon ay panahon ng kwaresma at napaka importante ng pag-amin natin at pagtanggap sa ating mga kasalanan. Ngayong taon ng kabataan, nais namin ipahayag sa lipunan na sa dinamidami nating mga issue na kinahaharap, meron parin tayong panahon para magnilay, may panahon pa rin tayong tignan yung ating mga sarili sa ating mga nagawang kasalanan lalong lalo na sa mga kabataan at sa lahat ng sektor ng lipunan.” pahayag ni Father Cortez sa Radyo Veritas.

Hinikayat pa ni Father Cortez ang mamamayan na isama din sa panalangin ang pag-amin ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa Pastoral Letter nito hinggil sa kakulangan, pagkakamali at pag-abuso ng ilang mga Pari.

“Like the leaders and members of any other human institution, no doubt, we, your bishops and priests have our own share of failures and shortcomings as well. We have already mentioned in our previous statement that we bow in shame when we hear of abuses committed by some of (us)…, that we hold ourselves accountable for their actions, and accept our duty to correct them…” Bahagi ng CBCP Pastoral Statement na Conquering Evil with Good.

Matapos ang Confessio Peccati, magkakaroon din ng pagninilay sa mga istasyon ng Krus na tatawaging “Daan ng Krus, Daan ng Paghilom.”

Ayon kay Father Cortez, sa bawat istasyon ng pagpapakasakit ng Panginoong Hesus ay mag-aalay din ng pananalangin para sa iba’t-ibang usaping panlipunan tulad ng suliranin sa kalikasan, ang lumalaganap na kultura ng pagpatay, ang patuloy na pagtaas ng bilihin at paghihirap ng mga Filipino, at ang pagtuligsa sa simbahan.

“Sa bawat istasyon ay meron tayong issue na bibigyang tingkad para pagnilayan, makita din natin na hindi lahat ng issue ay isa lang ang dapat nating sisihin kun’di tayo din bilang mga mananampalataya bilang mamamayan ay mayroong ding pananagutan.” Dagdag pa ni Father Cortez.

Isasagawa ang Confessio Peccati sa ika-30 ng Marso, araw ng Sabado, alas dos y medya ng hapon (2:30PM) sa Holy Trinity Parish, Calabash Road Balic-balic, Sampaloc, Manila sa pangunguna ni Father Eric Adoviso, Parish Priest ng naturang parokya.

Susundan ito ng Penitential Walk sa alas tres ng hapon (3:00PM) mula Holy Trinity Parish patungong St. Anthony Shrine, Sampaloc Manila, at ang pangwakas ay pamumunuan naman ni Father Cielito Almazan, OFM – AMRSP Co-Chairperson.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 15,095 total views

 15,095 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 89,709 total views

 89,709 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 169,788 total views

 169,788 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 212,927 total views

 212,927 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 213,096 total views

 213,096 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 347,516 total views

 347,516 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top