Pagtatayo ng Kaliwa ng dam, hindi papayagan ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 537 total reads

Naninindigan ang mga residente sa lalawigan ng Quezon sa pagtutol sa pagtatayo ng Kaliwa dam.

Ito ang binigyang diin ni Infanta Bishop Bernardino Cortez.

Tiniyak ni Bishop Cortez na mahigpit na tutulan ng mga residente ng Quezon at Diocese ng Infanta na maisakatupan ang proyekto dahil sa dulot nitong panganib sa kalikasan at sa mga naninirahan sa lugar.

“Matagal nang sinasabi sa’min ‘yan na done deal na para sabihing pumayag na kami. Hindi kami pumapayag. Patuloy kaming luluhod sa Diyos at mas makapangyarihan ang sa taas. Ang Diyos ay nakikinig sa daing ng mga dukha at mahihirap, mga inaapi,” ayon kay Bishop Cortez sa panayam ng Veritas Pilipinas.

Hamon din ng obispo sa mga nagsusulong nang pagtatayo ng dam na subukang manirahan sa kanilang lugar upang makita ang kanilang kalagayan.

“Basta ang sinasabi lang namin, kung may konsensya sila, pakinggan nila ang kanilang konsensya,” ayon pa kay Bishop Cortez.

Una na ring imunungkahi ang pagtatayo ng Kaliwa dam bilang tugon sa kakulangan ng suplay ng tubig sa Metro Manila.

Palaguin at alagaan ang mga gubat

Ito ang isa sa nakikitang solusyon ni Bishop Cortez bilang tugon sa kakapusan ng suplay ng tubig sa Metro Manila.

“Ang pinakamagandang solusyon, ang source ang ayusin natin. ‘Yung natural source na aalisin mo ‘yun, ‘wag mong aalisin ang gubat. Doon nagmumula ang tubig. Ang gubat ang nakakakuha ng ulan. Ang gubat ang nag-iexplore ng tubig.Ang gubat ang may i-stock-an. ‘Pag inalis mo ‘yung mga puno, Ang laki nung na-damage at alam na namin dito, kapag bagsak ‘yung Infanta, kapag tag-init maski kami hirap. Ang ibig ko lang sabihin, ayusin natin ang natural na pinagmumulan,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Cortez.

Iginiit ng Obispo na ang kagubatan at mga puno ang natural na imbakan ng tubig kaya’t ang pagkakalbo ng mga kagubatan ang dahilan ng tagtuyot.

Ang dam ay popondohan ng salaping inutang mula sa china na magtatapos sa taong 2023.

Ayon sa ensiklikal ng Kanyang Kabanalan Francisco, tungkulin ng pamahalaan at ng mamamayan na magtulungan para sa pangangalaga sa kalikasan kung saan dapat laging isaalang-ang ang makabubuti para sa lahat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 47,255 total reads

 47,255 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 96,991 total reads

 96,991 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 144,862 total reads

 144,862 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 248,811 total reads

 248,811 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 332,518 total reads

 332,518 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top