Mamamayan, inaanyayahang makiisa sa “Confessio Peccati”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 886 total reads

Inanyayahan ng Association of Major Religious Superiors of the Philippines ang mga mananampalataya na makiisa sa pagdaraos ng Confessio Peccati.

Ayon kay Father Angel Cortez, OFM – Executive Secretary ng AMRSP, layunin nitong mahimok ang mga mananampalataya na magnilay at pagsisihan ang mga nagagawang kasalanan.

Nilinaw ni Father Cortez na hindi lamang para sa mga pari, relihiyoso at relihiyosa ang pagtitipon kungdi lalong lalo sa mga kabataan.

“Ngayon ay panahon ng kwaresma at napaka importante ng pag-amin natin at pagtanggap sa ating mga kasalanan. Ngayong taon ng kabataan, nais namin ipahayag sa lipunan na sa dinamidami nating mga issue na kinahaharap, meron parin tayong panahon para magnilay, may panahon pa rin tayong tignan yung ating mga sarili sa ating mga nagawang kasalanan lalong lalo na sa mga kabataan at sa lahat ng sektor ng lipunan.” pahayag ni Father Cortez sa Radyo Veritas.

Hinikayat pa ni Father Cortez ang mamamayan na isama din sa panalangin ang pag-amin ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa Pastoral Letter nito hinggil sa kakulangan, pagkakamali at pag-abuso ng ilang mga Pari.

“Like the leaders and members of any other human institution, no doubt, we, your bishops and priests have our own share of failures and shortcomings as well. We have already mentioned in our previous statement that we bow in shame when we hear of abuses committed by some of (us)…, that we hold ourselves accountable for their actions, and accept our duty to correct them…” Bahagi ng CBCP Pastoral Statement na Conquering Evil with Good.

Matapos ang Confessio Peccati, magkakaroon din ng pagninilay sa mga istasyon ng Krus na tatawaging “Daan ng Krus, Daan ng Paghilom.”

Ayon kay Father Cortez, sa bawat istasyon ng pagpapakasakit ng Panginoong Hesus ay mag-aalay din ng pananalangin para sa iba’t-ibang usaping panlipunan tulad ng suliranin sa kalikasan, ang lumalaganap na kultura ng pagpatay, ang patuloy na pagtaas ng bilihin at paghihirap ng mga Filipino, at ang pagtuligsa sa simbahan.

“Sa bawat istasyon ay meron tayong issue na bibigyang tingkad para pagnilayan, makita din natin na hindi lahat ng issue ay isa lang ang dapat nating sisihin kun’di tayo din bilang mga mananampalataya bilang mamamayan ay mayroong ding pananagutan.” Dagdag pa ni Father Cortez.

Isasagawa ang Confessio Peccati sa ika-30 ng Marso, araw ng Sabado, alas dos y medya ng hapon (2:30PM) sa Holy Trinity Parish, Calabash Road Balic-balic, Sampaloc, Manila sa pangunguna ni Father Eric Adoviso, Parish Priest ng naturang parokya.

Susundan ito ng Penitential Walk sa alas tres ng hapon (3:00PM) mula Holy Trinity Parish patungong St. Anthony Shrine, Sampaloc Manila, at ang pangwakas ay pamumunuan naman ni Father Cielito Almazan, OFM – AMRSP Co-Chairperson.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 45,461 total reads

 45,461 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 95,331 total reads

 95,331 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 143,202 total reads

 143,202 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 247,151 total reads

 247,151 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 330,950 total reads

 330,950 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 41,831 total reads

 41,831 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 34,711 total reads

 34,711 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top