Patuloy na isabuhay ang panawagan ng Earth Hour

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 577 total reads

Hinimok ni San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto ang mga mananampalataya na isabuhay ang adbokasiya at pag-uugaling nais ituro sa mga tao ng programang Earth Hour.

Ayon sa Obispo sa pamamagitan ng maliliit na hakbang ay nababago ang pag-uugali ng mga tao na waldas sa paggamit ng kuryente at iba pang likas na yaman ng mundo.

Paliwanag ni Bishop Presto na ang Earth Hour ay gawaing pakikiisa sa kalikasan at sa simpleng pagpapatay ng mga kagamitang labis na kumokonsumo ng kuryente ay nakatutulong na ang mamamayan sa pagpapanatili ng enerhiya ng mundo.

“Sa little practice na ito ng Earth Hour ay mag-iiba ng attitude sa atin sa mga maliliit na bagay na pwede nating ma practice sa ating tahanan office, school kung saan ay pwede nating ma bawasan ang konsumo ng kuryente,” bahagi ng pahayag ni Bishop Presto sa Radyo Veritas.

Dagdag pa ng Obispo na sa pamamagitan ng pakikiisa ng kanilang buong Diyosesis sa Earth Hour ay nabibigyang diin din ang kanilang pagtutol sa Coal Fired Power plant na planong itayo sa kanilang lugar.

Sinabi ni Bishop Presto na sa pagtitipid sa kuryente ay nababawasan ang konsumo ng maruming enerhiyang mula sa coal.

Sa halip na magpatuloy sa paggamit at pagtatayo ng mga planta ay mas mabuting unti-unti nang lumipat ang bansa sa paggamit ng renewable energy.

“Ang sinasabi namin sa aming manifesto ay gumamit tayo ng mga natural, yung renewable energy katulad nga ng paggamit ng solar and so on. Ang coal fired power plant ay maaring makasisira sa ating kalikasan at sa ating sarili sa kalusugan natin,” ayon pa kay Bishop Presto.

Panawagan ng Obispo sa publiko na magtipid, hindi lamang sa kuryente kun’di maging sa ang iba pang likas na yaman ng mundo tulad ng tubig at pagkain.

Ayon kay Bishop Presto ang pagtitipid at maayos na pangangasiwa sa yaman ng kalikasan ay hindi lamang dapat gawin ngayong Earth Hour dahil mahalagang isinasabuhay ito sa araw-araw.

“Pagtitipid ang isang hinihikayat sa atin Kaya ako po ay nananwagan sa inyo sa ngalan ng Radio Veritas na nawa ay maisagawa natin itong Eath Hour hindi lang ngayong march 30 kun’di sa mga darating pang pagkakataon maging attitude sana natin ang pagtitipid sa paggamit ng kuryente bilang pakikiisa natin sa kalikasan,” panawagan ng Obispo.

Ang Earth Hour ay inisyatibo ng grupong World Wide Fund for Nature-isang international non-government organization na nagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan.

Taong 2007 nang unang isagawa ang programa sa Sydney Australia, at 2008 naman nang ilunsad ito sa Pilipinas.

Ngayong ika-30 ng Marso, ipagdiriwang ang ika-12 taon ng Earth Hour.

Noong 2018 umabot sa 188 mga bansa ang nakiisa dito at mahigit 17, 900 mga institusyon at establisyimento kabilang na ang mga simbahan, ang nakiisa sa pagpapatay ng kuryente.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 70,732 total reads

 70,732 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 118,846 total reads

 118,846 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 166,717 total reads

 166,717 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 270,664 total reads

 270,664 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 353,461 total reads

 353,461 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 42,275 total reads

 42,275 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 35,153 total reads

 35,153 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top