National Shrine of Our Lady of Mt.Carmel, ganap ng magiging Minor Basilica

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 835 total reads

Puspusan ang ginagawang paghahanda ng National Shrine of Our Lady of Mt. Carmel sa New Manila Quezon City para sa nalalapit na deklarasyon nito bilang bagong Minor Basilica.

Ayon kay Father Joey Maborrang, OCD, isang malaking biyaya ang pagkakahirang sa dambana bilang bagong Basilica Minore sa Pilipinas.

Sinabi ni Father Maborrang na kaakibat din ng pagpapala ang mas malaking misyon sa pagpapalakas ng pananampalataya ng mga Katoliko hindi lamang sa Pilipinas kun’di maging ang mga manlalakbay mula sa iba’t-ibang bansa.

“Sa National Shrine we are actually responsible and answerable sa national level sa buong Pilipinas thru the CBCP pero kapag tayo naman po ay tinawag na basilica, we are also responsible and answerable, to the Holy Father, to the whole church, international level ng konti.” pahayag ni Father Maborrang.

Inihayag ng Pari na bilang isang Minor Basilica, ay magiging daluyan na din ng pagpapala at pagbabasbas ng Diyos ang dambana ng Monte Carmelo.

Ang mga mananampalatayang bibisita sa bagong minor basilica ay makatatanggap ng plenary indulgence.

“Regarding po sa grace, it is an added title but at the same time also, yung tinatawag natin na benefits na binibigay sa atin katulad ng plenary indulgence na hindi po lahat ng simbahan ay binibigyan ng pagkakataon na maging daluyan ng pagpapala at pagbabasbas ng Diyos sa pamamagitan ng Plenary Indulgence. Permanent or we call this perpetual, forever.” paliwanag ni Father Maborrang sa Radio Veritas

Samantala, ipinaliwanag din ni Father Maborrang na hindi madali ang proseso upang madeklarang minor basilica ang isang simbahan.

Sinabi ng Pari na ilan sa mga pamantayan na kinakailangan ay pagkakaroon ng aktibong social services program, mga aktibong deboto na sama-samang nananalangin ng liturgy of the hours, pagkakaroon ng Schola Cantorum, at pagbibigay ng patuloy na pag-aaral sa mga encyclical at iba pang turo ng Santo Papa.

Sa kasalukuyan mayroon nang labinlimang Minor Basilica sa buong Pilipinas.

Ika-30 ng Nobyembre 2018 nang inanunsyo ng Vatican ang pagiging Basilica Minore ng National Shrine of Our Lady of Mt. Carmel sa Quezon City at Shrine of La Virgen Milagrosa de Badoc sa Ilocos Norte.

Inanyayahan naman ni Father Maborrang ang mga mananampalataya mga pari, relihiyoso at relihiyosa na makiisa sa maringal na pagdiriwang ng banal na misa para sa Solemn Declaration of the Basilica of the National Shrine of Our Lady of Mount Carmel, sa lunes ika-25 ng Marso ganap na alas sais ng gabi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 72,706 total reads

 72,706 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 120,643 total reads

 120,643 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 168,514 total reads

 168,514 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 272,461 total reads

 272,461 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 355,150 total reads

 355,150 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 42,323 total reads

 42,323 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 35,201 total reads

 35,201 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top