HerVote Matters campaign, inilunsad ng OXFAM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 330 total views

Nakasaad sa Encyclical na Mater Et Magistra on Christianity and Social Progress ni Pope John the 23rd noong 1961 na bahagi ng tungkulin ng estado ang protektahan ang kapakanan at mga karapatan ng mamamayan partikular na ang mahihirap, kababaihan, matatanda at mga bata.

Kaugnay nito kasabay ng paggunita ng National Women’s Month at nalalapit na May 13, 2019 Midterm Elections sa bansa ay inilunsad ng international development organization na Oxfam katuwang ang iba’t-ibang women’s rights organizations ang #HerVote Matters campaign.

Inihayag ng grupo ang five-point feminist policy agenda na #THE LEADER WE WANT na mga usapin at kalagayan na dapat matutukan at matugunan ng mga opisyal ng pamahalaan para sa kapakanan ng mga kababaihan.

Ayon kay Oxfam Philippine Country Director Lot Felizco, layunin ng grupo na maimulat ang kamalayan ng mga botante na maging pamantayan sa mga kandidatong iboboto ang kanilang programa para sa kapakanan ng mga kababaihan sa buong bansa.

“Nagkataon itong National Women’s Month ngayon ay nagkataon na nalalapit din yung Midterms Elections kaya kinukuha din namin yung pagkakataon ngayon na sana ay napag-uusapan ang mga kababaihan kung saan man sila naroon lalo na dun sa mga kababaihan na nakatrabaho namin sa mga kumonidad na napapag-usapan ano yung hinahanap sa ating pamunuan na magiging kinabukasan natin…” pahayag ni Felizco sa panayam sa Radyo Veritas.

Isang hamon rin ang ibinigay ng grupo sa mga kandidato upang tutukan at isulong ang kapakanan ng mga kababaihan.

Bilang bahagi ng programa ng grupo para sa National Women’s Month ay pinasinayaan rin ang #HerVote Matters Photo Exhibit and Interactive Booths katuwang ng Photojournalists Center of the Philippines upang maitampok ang mga usapin at sitwasyon kinahaharap ng mga kababaihan sa lipunan.

Bukas sa publiko ang nasabing Photo Exhibit na matatagpuan sa sa QCX, Quezon Memorial Circle na magtatagal lamang hanggang sa ika-24 ng Marso.

Ang Oxfam ay isang global non-profit organizations na halos 30 taon ng nakikipagtulungan sa iba’t ibang grupo upang matutugunan ang mga suliraning panlipunan tulad ng kahirapan at hindi pagkakapantay pantay.

Tema ng pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng mga Kababaihan na nagsimula noong 2017 hanggang 2022 ang “We Make Change Work For Women”.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 10,413 total views

 10,413 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 85,027 total views

 85,027 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 165,106 total views

 165,106 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 208,245 total views

 208,245 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 208,707 total views

 208,707 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top