Dating Pari na hinuli sa paratang na kaanib ng NDF, walang ugnayan sa Diocese of Imus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 904 total reads

Nilinaw ni Diocese of Imus Bishop Reynaldo Evangelista, Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Permanent Committee on Public Affairs na ang retiradong pari na si Father Arturo Monzon-Balagat ay hindi bahagi ng diyosesis dahil ito ay incardinated sa Diocese of San Bernardino, California.

Ayon sa Obispo, sa California naglingkod ng mahabang panahon si Father Balagat at bumalik lamang sa Cavite matapos itong magretiro.

Sinabi nitong simula pa noong 2013 nang siya ay maging Obispo ng Diocese of Imus ay hindi nakipag-ugnayan o humingi ng ministeryo si Father Balagat sa naturang diyosesis.

“Gusto ko lang liwanagin muna, si Father Art Balagat ay ipinanganak dito sa Imus at s’ya ay naging pari, na-ordain na pari, pero s’ya ay nag-incardinate sa Diocese of San Bernardino California. Doon sya nagserve ng matagal sa California tapos umuwi s’ya dito at s’ya ay retired priest but since panahon pa ni Cardinal Chito hindi na s’ya active, panahon ko noong 2013 until now hindi s’ya active.” Paglilinaw ni Bishop Evangelista sa Radio Veritas

Si Father Balagat ay tubong Cavite at dito naordinahang pari noong 1975 ni Bishop Felix Perez. Taong 1991 nang ma-incardinate itong pari sa Diocese of San Bernardino sa California at naglingkod sa iba’t-ibang parokya kabilang na ang St. Anne Parish sa San Bernardino, St. Mel Parish sa Norco, at St. George Parish sa Ontario. Naging Presidente din ito ng United States Filipino Catholic Ministries Council o USFCMC at Filipino Ministry, National Consultant to United States Conference of Catholic Bishops/Pastoral Care of Migrants, Refugees.”

Ayon kay Bishop Evangelista, mayroong pinatatakbong restaurant coffee shop si Father Balagat at namumuhay itong mag-isa nang walang anumang ugnayan o ministeryong hinahawakan at hindi rin ito nagmimisa sa Diocese of Imus.

Ipinagtataka naman ng Obispo kung bakit at paano iniugnay ng awtoridad si Father Balagat sa National Democratic Front of the Philippines.

Pinaalalahanan naman ni Bishop Evangelista ang mga pari na maging maingat sa pakikipagtulungan sa iba’t-ibang mga grupo.

Nilinaw ng Obispo na hindi nito hinahadlangan ang mga ministeryo ng pagtulong ng mga pari subalit marapat tiyakin ng bawat isa na hindi sila malalagay sa alanganin at sa halip ay pagtuunan ang pagpapalalim sa ispiritwal na aspeto ng kanilang paglilingkod.

“Aking ipinapaalala sa lahat lalo na sa mga pari na maging maingat din sa mga engagement, kung ano pa man, whatever, baka lalong ma-jeopardize yung ministry ng pari kung ano pa mang organization, or whatever, hindi ko jina-judge kung sino mang pari pero dapat maging focus din ng pari yung dapat kalagyan ng ministry lalo na yung sa spiritual side. Hindi ko tinatawaran yung malaskit ng ibang mga pari o mga tao sa ibang mga grupo pero kung minsan ito’y nakakaapekto sa ministry ng mga pari.” Dagdag pa ni Bishop Evangelista.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 216,316 total reads

 216,316 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 250,989 total reads

 250,989 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 266,889 total reads

 266,889 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 303,379 total reads

 303,379 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 309,139 total reads

 309,139 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 384,634 total reads

 384,634 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top