Pekeng krisis sa tubig?

SHARE THE TRUTH

 185 total views

Mga Kapanalig, sinasabi sa mga panlipunang turo ng Simbahan na tungkulin ng mga namamalakad ng ating pamahalaan na tiyaking nakakamit ng mga mamamayan ang kanilang mga karapatan, kabilang rito ang pagkakaroon ng sapat at malinis na tubig. Samantala, ang pribadong negosyo ay dapat nakatuon sa pagtulong sa mga taong makamit ang kanilang mga pangangailangan at hindi sa pagkakaroon lamang ng malaking kita. Katulad ng pamahalaan, ang mga negosyo ay nariyan upang maglingkod sa tao, hindi ang tao ang maglilingkod sa kanila.

Sa nangyayari ngayong krisis sa tubig na nakaaapekto sa 1.2 milyong customers ng Manila Water, mahirap maaninag kung interes nga ba ng mga mamamayan ang inuuna ng ating pamahalaan at ng mga negosyanteng pinagkatiwalaang pangasiwaan ang suplay ng tubig.

May mga nagsasabing gawa-gawa lamang ang krisis sa tubig. Kung may fake news, may fake crisis na rin! Bakit daw walang tubig ang mga customers ng Manila Water samantalang tuluy-tuloy ang suplay sa mga lugar na sineserbisyuhan ng Maynilad? Bakit daw bumababa ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam gayong normal ang lebel ng tubig sa Angat Dam? Noong una, El Niño ang sinisi ng pamunuan ng Manila Water. Sumunod rito ang pag-amin ng Manila Water na hindi nito natapos ang isang treatment facility na magdadagdag dapat ng suplay ng tubig.

Ngunit ngayon, inuugnay na ang krisis sa pagtatayo ng Kaliwa Dam na ang 85% ng kabuuang halaga ay uutangin ng pamahalaan mula sa China. Noong pang isang taon naging “done deal” o napagkasunduan na ng pamahalaang Pilipinas at China ang pagpapatayo ng dam na nakatutulong daw na masolusyonan ang kakulangan ng suplay ng tubig para sa napakalaki at lumalaking populasyon ng Metro Manila. Sabi ng MWSS, kasado na ang proyekto at hindi na raw ito dapat ipagpaliban, kahit pa tumututol ang ilang bayan sa Quezon at Rizal gayundin ang mga katutubong itinuturing na ancestral domain ang mga kabundukang daraanan ng imprastraktura. Nagbabala rin ang mga environmental groups katulad ng Haribon na sisirain ng Kaliwa Dam ang tahanan ng libu-libong hayop at halaman sa Sierra Madre, at hindi na maibabalik ang balanse sa ating kalikasan kung mawala ang mga ito. Suportado ng Diyosesis ng Infanta, sa pamamagitan ni Bishop Bernardino Cortez, ang mga grupong tumututol sa imprastrakturang ipinipilit ng administrasyong Duterte na ipatayo.

Ang problema ng kakulangan ng tubig sa Metro Manila ay isyung dapat alamin, intindihin, at usisain nating lahat. May epekto sa ating lahat ang anumang hakbang na ginagawa ng ating mga lider at ang pinapasok nilang kasunduan sa mga pribadong negosyo. Kung ipipilit ng pamahalaang itayo ang dam sa kabila ng panganib na dala nito sa kalikasan at sa mga taong nakatira sa paligid nito, magkakaroon nga ng tubig ang mga taga-Metro Manila ngunit mamamatay naman ang maraming hayop at halaman at mapapaalis naman sa kanilang tahanan ang mga kababayan nating katutubo. Kung totoong malulubog tayo sa utang sakaling China nga ang magpondo ng malaking bahagi ng gagastusin para sa Kaliwa Dam, tayong lahat ang magbabayad nito, hindi lamang ang mga taga-Metro Manila. Maging babala sana para sa atin ang nangyayari ngayon sa ibang bansang lubog sa utang sa China, gaya ng Sri Lanka na ipinaubaya na sa China ang kanilang pangunahing pantalan sa loob ng halos 100 taon dahil hindi nila kayang bayaran ang kanilang utang!

Sa huli, mga Kapanalig, nasa kamay nating lahat kung pahihintulutan nating matuloy ang mga imprastrakturang magdudulot ng malawakang pinsala sa tao at kalikasan, at maglalagay sa mga susunod na henerasyon sa malalim na pagkakautang. Maliban sa pagtitipid ng tubig sa harap ng krisis na ito, mahalagang sinusubaybayan din natin ang mga ginagawa ng pamahalaan dahil apektado tayong lahat ng gagawin nilang mga pagpapasya.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 5,230 total views

 5,230 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 13,275 total views

 13,275 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 18,355 total views

 18,355 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 24,062 total views

 24,062 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 32,850 total views

 32,850 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 5,231 total views

 5,231 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 13,276 total views

 13,276 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 18,356 total views

 18,356 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 24,063 total views

 24,063 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 32,851 total views

 32,851 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 40,067 total views

 40,067 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 54,381 total views

 54,381 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 58,071 total views

 58,071 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 56,674 total views

 56,674 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 66,661 total views

 66,661 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 70,629 total views

 70,629 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 81,516 total views

 81,516 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 93,955 total views

 93,955 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 104,713 total views

 104,713 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 51,966 total views

 51,966 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top