Dating Pari na hinuli sa paratang na kaanib ng NDF, walang ugnayan sa Diocese of Imus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,005 total reads

Nilinaw ni Diocese of Imus Bishop Reynaldo Evangelista, Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Permanent Committee on Public Affairs na ang retiradong pari na si Father Arturo Monzon-Balagat ay hindi bahagi ng diyosesis dahil ito ay incardinated sa Diocese of San Bernardino, California.

Ayon sa Obispo, sa California naglingkod ng mahabang panahon si Father Balagat at bumalik lamang sa Cavite matapos itong magretiro.

Sinabi nitong simula pa noong 2013 nang siya ay maging Obispo ng Diocese of Imus ay hindi nakipag-ugnayan o humingi ng ministeryo si Father Balagat sa naturang diyosesis.

“Gusto ko lang liwanagin muna, si Father Art Balagat ay ipinanganak dito sa Imus at s’ya ay naging pari, na-ordain na pari, pero s’ya ay nag-incardinate sa Diocese of San Bernardino California. Doon sya nagserve ng matagal sa California tapos umuwi s’ya dito at s’ya ay retired priest but since panahon pa ni Cardinal Chito hindi na s’ya active, panahon ko noong 2013 until now hindi s’ya active.” Paglilinaw ni Bishop Evangelista sa Radio Veritas

Si Father Balagat ay tubong Cavite at dito naordinahang pari noong 1975 ni Bishop Felix Perez. Taong 1991 nang ma-incardinate itong pari sa Diocese of San Bernardino sa California at naglingkod sa iba’t-ibang parokya kabilang na ang St. Anne Parish sa San Bernardino, St. Mel Parish sa Norco, at St. George Parish sa Ontario. Naging Presidente din ito ng United States Filipino Catholic Ministries Council o USFCMC at Filipino Ministry, National Consultant to United States Conference of Catholic Bishops/Pastoral Care of Migrants, Refugees.”

Ayon kay Bishop Evangelista, mayroong pinatatakbong restaurant coffee shop si Father Balagat at namumuhay itong mag-isa nang walang anumang ugnayan o ministeryong hinahawakan at hindi rin ito nagmimisa sa Diocese of Imus.

Ipinagtataka naman ng Obispo kung bakit at paano iniugnay ng awtoridad si Father Balagat sa National Democratic Front of the Philippines.

Pinaalalahanan naman ni Bishop Evangelista ang mga pari na maging maingat sa pakikipagtulungan sa iba’t-ibang mga grupo.

Nilinaw ng Obispo na hindi nito hinahadlangan ang mga ministeryo ng pagtulong ng mga pari subalit marapat tiyakin ng bawat isa na hindi sila malalagay sa alanganin at sa halip ay pagtuunan ang pagpapalalim sa ispiritwal na aspeto ng kanilang paglilingkod.

“Aking ipinapaalala sa lahat lalo na sa mga pari na maging maingat din sa mga engagement, kung ano pa man, whatever, baka lalong ma-jeopardize yung ministry ng pari kung ano pa mang organization, or whatever, hindi ko jina-judge kung sino mang pari pero dapat maging focus din ng pari yung dapat kalagyan ng ministry lalo na yung sa spiritual side. Hindi ko tinatawaran yung malaskit ng ibang mga pari o mga tao sa ibang mga grupo pero kung minsan ito’y nakakaapekto sa ministry ng mga pari.” Dagdag pa ni Bishop Evangelista.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 76,588 total reads

 76,588 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 124,290 total reads

 124,290 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 172,161 total reads

 172,161 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 276,108 total reads

 276,108 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 358,630 total reads

 358,630 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 42,415 total reads

 42,415 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 35,292 total reads

 35,292 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top