Marahas na pagpatay sa bansa, ikinalulungkot ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 475 total reads

Mahalaga ang pagtitipon para sa pagtatanggol ng buhay ng tao.

Ito ang binigyang diin ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy kaugnay sa pagsagawa ng March for Life ng Diyosesis noong ika – 23 ng Marso sa pangunguna ng Knights of Columbus.

Ayon sa Obispo, marapat maunawaan ng mamamayan ang pagpapahalaga sa buhay ng tao at paggalang sa karapatan ng bawat isa.

Bunsod nito, hinikayat ng Obispo ang lahat ng mamamayan na makiisa sa mga pagtitipong naglalayong ipagtanggol ang buhay.

“I enjoined them to actively support this walk for life kay [dahil] importante ito especially this time na ang human life is under threat in many ways,” pahayag ni Bishop Uy sa panayam ng Radio Veritas.

Ikinalungkot naman ng Obispo ang mga paglapastangan sa buhay ng tao sa iba’t ibang pamamaraan tulad ng mga pagpaslang na kaniyang inihalintulad sa pagpatay ng mga hayop.

Giit ni Bishop Uy na ang sama-samang paglalakad ng mananampalataya taun-taon ay isang paalala na dapat pangalagaan ang buhay ng taoat na ipinagkaloob ng Panginoon sa tao.

“They reminded this every year, people will come out and walk for life molakaw ta [maglakad tayo] to remind each other na human life really is sacred and of special dignity because we are created in God’s image and likeness,” ani ni Bishop Uy.

Kabilang sa mga banta sa buhay ng tao sa kasalukuyan ang kahirapan, kagutuman, karahasan, digmaan at maging ang nagaganap na extra judicial killings sa pamayanan.

Magugunitang kaisa ang Simbahan sa humihiling ng katarungan sa mga napaslang na biktima ng karumal-dumal na krimen tulad ng panggagahasa, panghoholdap, digmaan at mga taong napaslang bunsod ng giyera kontra droga na umabot na sa higit 20, 000.

Ang March for Life ng diyosesis ay nagsimula sa Cogon Shrine kung saan ala 1:30 ng hapon nagbahagi ng pagninilay tungkol sa pagpapahalaga ng buhay si prolife advocate Dr. Rene Bullecer, ang Director for Human Life International, Philippines at si Fr. Jovanni Cortes, ang Diocesan Youth.Director.

Sinundan naman ito ng Banal na Misa sa pangunguna ni Bishop Uy kasama ang ilang kaparian ng diyosesis kung saan ipinaliwanag ng Obispo ang mga katuruan ng Simbahan tungkol sa dignidad at karapatan ng buhay ng mamamayan bilang mga anak ng Diyos.

Sinundan ito ng sama-samang paglalakad mula Cogon Shrine patungong Saint Joseph Cathedral sa Tagbilaran City.

Noong ika – 16 ng Pebrero isinagawa ng Archdiocese of Manila ang Walk for Life sa Quezon City Memorial Circle na dinaluhan ng higit 8, 000 indibidwal mula sa iba’t ibang mga organisasyon sa mga kalapit na diyosesis sa pangunguna ng Sangguniang Layko ng Pilipinas.

Hinimok naman ni Bishop Uy ang mga magulang na turuan ang mga bata tungkol sa kahalgahan ng buhay ng tao sa mga tahanan upang lumaki itong sapat ang kaalaman sa dignidad at karapatan ng buhay ng bawat indibidwal habang ang mga guro naman ang magturo sa mga paaralan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 215,875 total reads

 215,875 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 250,548 total reads

 250,548 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 266,448 total reads

 266,448 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 302,938 total reads

 302,938 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 308,719 total reads

 308,719 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top