Environment group dismayado kay Speaker GMA, sa pagsusulong ng pagmimina sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 47,304 total reads

Dismayado ang grupong Alyansa Tigil Mina sa pahayag ni House speaker Gloria Macapagal Arroyo na
dapat itaguyod ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagmimina sa bansa.

Ayon kay Jaybee Garganera – National Coordinator ng ATM, ipinakikita lamang nito ang pagiging anti-poor ng dating pangulo at ang kan’yang pagwawalang bahala sa negatibong epekto ng pagmimina sa kalikasan.

Ayon kay Garganera na sa halip na magsulong ng mapanirang industriya ay dapat na isinasaayos ng DENR ang regulasyon at implementasyon ng mga batas upang hindi umabuso ang mga kumpanya ng minahan.

Ikinalulungkot ng grupo na hindi nakikita ng mambabatas ang negatibong dulot ng pagmimina sa mga komunidad at ang naiaambag nito sa pagbabago ng klima sa mundo dahil sa paniniwalang magiging malago ang ekonomiya ng bansa kung malakas ang mining industry.

“This attitude of Speaker Arroyo exposes her true agenda that is anti-poor and her narrow perspective that refuses to recognize the negative impacts of irresponsible mining. Our alliance is deeply frustrated that Speaker Arroyo fails to understand the distinct role of the state to regulate business practices, and ensure that economic interests of corporation are balanced with social justice for communities and ecological balance for the planet,” bahagi ng pahayag ni Garganera

Matatandaang noong senador pa lamang si Arroyo ay isinulong nito ang pagpapatupad ng Philippine Mining Act of 1995 o RA 7942.

At nang maging pangulo ito ng bansa ay naipatupad ang Executive Order 270-A noong 2004 na nagpabilis sa pagsisimula ng operasyon ng 40 malalaking proyekto sa pagmimina.

Ayon sa ATM ngayong isa namang House Speaker si Arroyo ay plano nitong ipasa ang bersyon ng cha-vha at pederalismo na magpapalakas sa mining industry at magbibigay oportunidad sa mga banyagang nais magmay-ari ng mga lupain sa Pilipinas.

Sa katuruan ng simbahan, sinabi ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Encyclical na Laudato Si na kinakailangang maging mapagmatyag ang mamamayan upang bantayan kung moral ang ipinapasa at ipinatutupad na batas ng mga nasa pamahalaan at kung ito ba ay makabubuti para sa bawat isa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 212,614 total reads

 212,614 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 247,287 total reads

 247,287 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 263,187 total reads

 263,187 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 299,677 total reads

 299,677 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 305,658 total reads

 305,658 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 384,427 total reads

 384,427 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top