Radio Veritas, hinamong pangunahan ang totoong pamamahayag

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 352 total views

Ipinaalala ng Kanyang Kabunyian Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle na bagamat patuloy at mabilis na nagbabago ang paraan ng komunikasyon ay hindi naman nagbabago ang misyon ng Radyo Veritas.

Sa mensahe ng Cardinal sa ikalawang araw ng pagdiriwang ng ika-50 Anibersaryo ng Radio Veritas Asia at Radio Veritas 846 na ginanap sa Veritas Asia Compound Fairview Quezon City, sinabi nito na maraming suliranin sa paraan ng komunikasyon at malimit na naaapektuhan nito ay ang pamilya at ang lipunan.

Gayunman iginiit ni Cardinal Tagle na sa kabila ng anumang pamamaraan ay mahalaga na pangunahan ng simbahan at impluwensyahan nito ang media upang maitaguyod ang totoong komunikasyon na naka-ugat sa pag-ibig at katarungan.

“Every year the technology gets obsolete because something new is discovered, but the mission remains, how do we communicate truth, the truth of Jesus Christ… I want to say that whatever the means may be for Radyo Veritas, our mission is to promote true communication, no matter what the means, true communication that creates a true communicative society, a society that is based on truth, justice and love.” Bahagi ng pahayag ni Cardinal Tagle.

Nilinaw naman nito na bagamat mahalaga ang teknolohiya sa komunikasyon ay nananatili namang pinaka-mabisang paraan ay ang personal na pakikipag-ugnayan sa kapwa.

Ayon kay Cardinal Tagle, sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa ibang tao ay nararanasan ang Panginoon at naihahatid sa bawat isa ang katotohanan, pag-ibig at katarungan na mensahe ng Diyos.

“Let us go back to the basics, human interaction, and human communication, we may have the most sophisticated means and not deal with each other in a humane manner. So as we look forward to the surprises of God for Veritas, what remains is communication, human encounter, encounter with God who is truth, justice and love.” Dagdag pa ng Cardinal.

Matatandaang ika-11 ng Abril 1969, sumahimpapawid sa kauna-unahang pagkakataon ang Radio Veritas sa Pilipinas.

Nakilala naman ang himpilan dahil sa natatanging ambag nito sa pagpapahayag ng katotohanan noong panahon ng Edsa People Power Bloodless Revolution taong 1986 kung saan ginagawaran ito ng Ramon Magsaysay Award.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 6,282 total views

 6,282 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 80,896 total views

 80,896 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 160,975 total views

 160,975 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 204,114 total views

 204,114 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 204,837 total views

 204,837 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 347,314 total views

 347,314 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top