Endorsement ni Velarde, kinontra ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,370 total reads

Hindi sang-ayon ang Sangguniang Layko ng Pilipinas sa labing-dalawang senatorial candidate na inendorso ni El Shaddai leader Bro. Mike Velarde.

Ayon kay Marita Wasan, pangulo ng Sangguniang Layko ng Pilipinas, dapat ginamit bilang basehan sa pagpili ng ii-endorsong kandidato ay walang bahid ng katiwalian at korupsyon.

“Pero may record po ito. Dapat ang mga record na ‘yun ang naging basehan ng values. Kami sa layko ang ipino-promote ay common good para sa nakakarami, sa ikabubuti ng nakakarami hindi ng pansarili lang,” ayon kay Wasan sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ni Wasan na tila binalewala ni Velarde ang panuntunan ng unang binuong White Vote Movement ang paghahalal sa kandidatong Makadiyos, Makatao at Makabayan.

“Matagal naming nakasama ang El Shaddai lalu na sa White Vote Movement sa mga values na aming sinusundan ay the same values na pinagbabasehan namin ngayon, bakit nabago. Hindi po maka-Diyos, hindi makatao at hindi maka-bayan!”pahayag ni Wasan

Kabilang sa mga inendorso ng El Shaddai sa pagka-senador sina Imee Marcos, Ramon Bong Revilla, mga kaalyado ng pangulong duterte na sina Christopher “Bong” Go at Ronaldo “Bato” dela Rosa.

Ang Sangguniang Layko ng Pilipinas ay bahagi naman ng Peoples’ Choice Movement na naglabas din ng mga 10 pangalan ng mga inendorsong kandidato base sa isinagawang pagsusuri.

Sa panawagan ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, hiling nito sa mga botante na itaguyod ang kristiyanong pananampalataya sa pamamagitan ng pagpili ng kandidatong nagtatakwil ng kasamaan at matapang na naninindigan sa tunay na maglilingkod sa bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 12,032 total reads

 12,032 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 49,321 total reads

 49,321 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 275,591 total reads

 275,591 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 169,058 total reads

 169,058 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 262,493 total reads

 262,493 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top