Plant a tree for food program, pinaigting ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 44,062 total reads

Muling pinangunahan ni Apostolic Vicariate of Puerto Princesa Palawan Bishop Socrates Mesiona ang pagtatanim ng mga puno sa isang bahagi ng Brookes Point Palawan.

Ito ay bilang pagpapatuloy ng proyekto ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa at ng Augustinian Missionaries of the Philippines-IP Mission na nagsimula pa noong Agosto ng 2018.

Layunin ng proyektong na makapagtanim ng sampung libong mga puno sa loob ng isang taon.

Sinabi naman ni Bishop Mesiona na ito rin ay bilang pagtugon sa panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco na pangalagaan ang kalikasan.

“Kami po dito sa Puerto Princesa ay nakikiisa sa panawagan ng ating Mahal na Santo Papa na pakaingatan natin ang ating kalikasan, kaya bilang tugon kami po ay nagsisikap na makaambag sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga punong kahoy.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Mesiona sa Radyo Veritas.

Umaasa ang Obispo na ang kanilang munting proyekto sa lalawigan ng Palawan ay magsisilbing inspirasyon upang mas dumami pa ang mga taong nagpapamalas ng pangangalaga sa kapaligiran

Hinimok din nito ang mamamayan na paigtingin pa ang pangangalaga sa kalikasan, sa pamamagitan ng maliliit na gawain, o magkakaiba man ng pamamaraan.

“Sana po ito ay maging inspirasyon din para sa iba na pagingatan natin ang ating kalikasan at magtanim po tayo ng mga puno.” Dagdag pa ng Obispo.

Ang forest enhancement program ng simbahan ay tinatawag din na plant-a-tree-for-food dahil ang mga katutubong tumutulong sa pagtatanim at pangangalaga ng mga puno ay nakatatanggap ng monetary incentive.

Ayon kay Bishop Mesiona, sa kasalukuyan ay mahigit na sa sampung libong mga puno ang kanilang naitanim, gayunman inaasahan na nito na maaaring hindi lahat ng halaman at mabuhay kaya naman patuloy ang kanilang monitoring sa mga project sites na Brgy. Mainit at Brgy. Aribungos kasama na rin ang ilang bahagi ng Mount Mantalingahan Protected Landscape.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 17,515 total reads

 17,515 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 54,542 total reads

 54,542 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 280,812 total reads

 280,812 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 174,279 total reads

 174,279 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 267,376 total reads

 267,376 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 34,670 total reads

 34,670 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 27,565 total reads

 27,565 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top