Thanksgiving mass, ini-alay ng Radio Veritas sa Madreng lumaban para sa social justice

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 610 total views

Nag-alay ng Banal na Misa ang pamunuan ng Radyo Veritas sa burol ni social justice advocate Sr. Crescencia Lucero, SFIC, sa St.Joseph College sa pangunguna ni Rev. Fr. Roy Bellen, Vice President for Operations ng Radio Veritas846.

Sa pagninilay ng pari, sinabi nito na hindi nakikita ang halaga ng buhay ng isang tao sa haba o ikli ng kanyang pananatili sa mundo.

Bagkus, ang pagsasabuhay ng dakilang utos ng Panginoon na pag-ibig sa kapwa ang siyang nagiging batayan kung naging mabunga ang pamumuhay ng isang tao sa daigdig.

“Hindi lang ito basta basta pahabaan. Ikaw ba ay nagmamahal? Ikaw ba ay sumusunod sa halimbawa, kautusan, at paggabay ng Panginoon?” pagninilay ni Fr. Bellen.

Ayon kay Fr. Bellen, ang pagpanaw ni Sr. Lucero bagamat nakalulungkot, ay dapat pa ring ipagpasalamat dahil naging malaking bahagi si Sr. Lucero ng buhay ng maraming tao.

Sinabi ng Pari na malaking biyaya ang mga nagawa ng madre, hindi lamang sa kanyang kongregasyon at sa simbahan, kungdi sa buong Pilipinas.

Hindi na matatawaran ang ambag ni Sr. Lucero sa lipunan lalo na sa mga larangan ng pagtatanggol sa karapatang pantao, sa pagtulong sa mga nangangailangan at sa pagtataguyod ng sangnilikha.

“This is actually a day of, in a way, thanks giving. Thru her the Lord touched each of us in different ways. For her, it is love of country, love of fellow humanity, love of fellow Filipino… We are pretty much sure Sr. Cres have lived a full life, serving, helping and loving her fellow man.” Dagdag pa ni Fr. Bellen.

Si Sr. Lucero, 77 taong gulang, kabilang sa kongregasyon ng Franciscan Sisters of the Immaculate Conception, ay pumanaw sa Jakarta, Indonesia noong ika-15 ng Mayo, matapos itong ma-stroke at magkaroon ng cerebral hemorrhage.

Ilan sa mga samahang kanyang kinabibilangan ay ang Association of Major Religious Superiors of the Philippines’ Justice, Peace and Integrity of Creation; Philippine Alliance of Human Rights Advocates; Ecological Justice for Interfaith Movement; at Task Force Detainees of the Philippines kung saan ito nagsilbing Chairperson of the Board.

Sa nakaraang ika-50 anibersaryo ng Radio Veritas ay ginawaran ng himpilan ng katotohanan si Sr.Cres ng parangal sa matapang nitong pakikipaglaban sa karapatang pantao na binalewala ng diktaduryang Marcos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 125,715 total views

 125,715 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 250,126 total views

 250,126 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 289,622 total views

 289,622 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 362,333 total views

 362,333 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 317,003 total views

 317,003 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top