Pangamba ng publiko, pinawi ni Bishop Varquez sa pagsabog sa isang seminaryo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 558 total reads

Nilinaw ni Borongan Bishop Crispin Varquez na hindi dapat maalarma ang publiko sa naganap na pagsabog sa labas ng isang seminaryo sa Borongan Eastern Samar.

Ayon kay Bishop Varquez, walang makitang motibo ang diyosesis at maging ang mga otoridad upang atakihin ang Seminario de Jesus Nazareno.

Nilinaw ng Obispo na walang matatalim na bagay ang nakita sa sumabog kundi ito ay isang paputok lamang.

“Hindi dapat maalarma kasi wala namang possible motive at wala namang sharp objects, pulbura lang siya, pure paputok lang,” pahayag ni Bishop Varquez sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ng Obispo na walang dapat ikabahala sapagkat hindi nakikisangkot ang seminaryo sa mga usaping pampulitika at wala ring naiulat na may nagagalit sa seminaryo o sa pamunuan nito.

Batay sa pahayag ni Fr. Edmel Raagas, ang Spiritual Director ng seminaryo, alas 6:45 ng gabi noong ika – 19 ng Mayo ng magkaroon ng malakas na pagsabog sa exit gate ng Seminario de Jesus Nazareno sa Baarangay Campesao.

Ayon pa sa Obispo, may posibilidad na mga lasing ang may kagagawan sa paghagis ng paputok sa compound batay na rin sa salaysay ni Fr. Raagas na may mga indibidwal na nag-iinuman malapit sa seminaryo.

Sinabi pa ni Bishop Varquez na walang nasira o nasugatan sa naganap na pagsabog dahil kasalukuyang nasa bakasyon ang mga seminaristang nag-aaral dito.

Aniya, hindi dapat mangamba ang publiko dahil maayos na naipatutupad ng mga otoridad ang pagpapanatili sa kapayapaan sa buong Borongan.

“Very peaceful ang Borongan, walay problema sa peace and order [walang problema sa peace and order],” ani pa ni Bishop Varquez.

Gayunpaman, patuloy na hinimok ng mga otoridad ang mamamayan na manatiling alerto at mapagbantay sa paligid upang makaiwas sa anumang karahasan at kaguluhan.

Magugunitang ika – 27 ng Enero nitong taon nang magkaroon ng dalawang pagsabog sa loob ng Jolo Cathedral na ikinasawi higit 20 katao habang halos 100 indibidwal naman ang nasugatan.

Ika – 4 ng Pebrero naman nang ianunsyo ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde ang pagsuko ni Kammah Pae na itinuturong main suspect sa insidente at hinihinalang kasapi ng teroristang Abu Sayaff Group.

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 890 total reads

 890 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 31,858 total reads

 31,858 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 116,760 total reads

 116,760 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 154,133 total reads

 154,133 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 185,392 total reads

 185,392 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 256,867 total reads

 256,867 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top