Dangal ng pagboto

SHARE THE TRUTH

 1,504 total views

Mga Kapanalig, hindi naging malinis ang nakaraang halalan.

Hindi ito dahil nagkaroon ng malawakang dayaan, kundi dahil naging laganap at lantaran ang pagbili ng boto, lalo na ng mga lokal na kandidato. Nakapagtala ang Comelec ng hindi bababa sa 30 kaso ng vote-buying sa buong bansa, habang nakahuli ang PNP ng mahigit 170 kataong namili umano ng boto. Lubhang mababa ang mga bilang na ito dahil maraming kaso ang hindi na nai-report sa Comelec at PNP.

Malinaw sa Omnibus Election Code na bawal ang pagbili at pagbenta ng boto. At hindi lamang mga kandidato ang saklaw ng pagbabawal na ito. Sinasabi sa batas na “any person” o sinumang nagbibigay, nag-aalok, o nangangako ng pera o anumang may halaga, pati mga pangako ng trabaho o pabor, upang udyukan ang mga taong bumoto para sa isang kandidato o laban sa isang kandidato ay gumagawa na ng vote-buying. Ibig sabihin, hindi kailangang ang kandidato ang mismong nag-aabot ng pera o nagbibigay ng pabor. At wala ring sinasabi sa batas kung magkano ang dapat na halaga ng pera o pabor na ibibigay sa isang botante para masabing vote-buying ang kaso—sanlibong piso man yan o sampung piso, vote-buying na iyon. At ang pagtanggap ng mga ito—o vote-selling—ay labag din sa batas. Election offense din ang pagbibigay at pagtanggap ng pamasahe, pagkain, at iba pang bagay na may halaga limang oras bago at pagkatapos ng isang public meeting bago ang araw ng halalan at sa mismong araw ng halalan. Kung magiging istrikto tayo sa pagpapatupad ng batas, tiyak na marami ang guilty at mapapatawan ng parusa.

Ngunit sa lahat ng taong dapat nakauunawa ng batas at tumitiyak na napoprotektahan ang mga botante laban sa mga mapagsamantalang mga pulitiko, mismong si Pangulong Duterte pa ang nagsabing walang problema sa vote-buying. Paliwanag ng pangulo, “integral part” o hindi maihihiwalay na bahagi ng halalan sa bansa ang pamimili ng boto, at “walang hindi nagbibili ng boto.” Kalakaran na raw ng mga kandidato ang gastusan ang pamasahe ng mga botante at ang pagkain ng mga nangangampanya para sa kanila. Ano ang tingin ninyo rito, mga Kapanalig?

Dahil sa naging laganap at lantaran nga ang vote-buying nitong nakaraang halalan, hindi mahirap sang-ayunan ang sinabi ni Bishop Gerardo Alminaza ng Diyosesis ng San Carlos. Aniya, sa pamimili nila ng boto, sadya yatang ayaw ng mga pulitiko na iangat mula sa kahirapan ang mga tao upang lagi nila silang makontrol. Kaya naman, duda si Bishop Alminaza kung tunay ngang naging malaya ang nakaraang eleksyon at kung boses nga ba ng mamamayan ang sinasalamin ng naging resulta ng botohan.

Maliban sa dapat aksyunan ng mga tagapagpatupad ng batas ang mga ulat tungkol sa vote-buying, nakasalalay sa ating mga botante kung tutuldukan natin ang hindi matibag-tibag na kultura ng vote-buying at vote-selling. Tunay ngang mahirap ito lalo na’t marami sa ating mga kababayan ang tumatanggap ng pera hindi lamang dahil hindi nila alam ang batas kundi dahil pinaiiral nila ang kanilang pagiging praktikal. May nangangatwirang pambili rin ng pagkain ang isangdaan, limandaan, o sanlibong pisong iaabot sa kanila ng mga kandidato. Alam nating mali ang ganitong pangangatwiran, ngunit kailangan tayong maghain ng alternatibong pananaw upang mabago ang kalakarang ito. Magsisimula ito sa pag-udyok sa kapwa nating bumoto ayon sa kanilang konsiyensya at ipaglaban ang danagl ng kanilang boto. Ngunit sapat na nga ba iyon?

Mga Kapanalig, hindi dahil “integral part” na ng halalan ang vote-buying ay dapat na natin itong hayaang magpatuloy. Sa maliit na paraan, simulan natin ang pagbasag sa kulturang ito sa ating pamilya at pamayanan, at baka naman sa susunod na eleksyon, tunay na boses ng mamamayan ang maririnig.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 5,776 total views

 5,776 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 13,821 total views

 13,821 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 18,901 total views

 18,901 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 24,608 total views

 24,608 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 33,396 total views

 33,396 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 5,777 total views

 5,777 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 13,822 total views

 13,822 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 18,902 total views

 18,902 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 24,609 total views

 24,609 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 33,397 total views

 33,397 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 40,115 total views

 40,115 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 54,429 total views

 54,429 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 58,119 total views

 58,119 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 56,722 total views

 56,722 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 66,709 total views

 66,709 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 70,677 total views

 70,677 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 81,564 total views

 81,564 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 94,003 total views

 94,003 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 104,761 total views

 104,761 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 52,014 total views

 52,014 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top