Pagkakasundo at pagkakaisa, hiling ng CBCP-ECMI sa mga Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 718 total views

Hinimok ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang bawat isa na simulan ang paghihilom matapos ang hindi pagkakaunawaan at hindi pagkakasundo dulot ng katatapos na halalan.

Inihayag ni Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos – Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People na dapat ng tigilan ang pagsisiraan at pagsisisihan para sa kapayapaan at pag-unlad.

Iginiit ng Obispo na bilang mga Filipino ay kailangang magkaisa ang lahat sa pagsusulong ng kabutihan ng bansa.

With election over and results comes to end, it is better to stop blaming and bashing but to move on to help one another and heal our country to peace, prosperity and unity. After all we have only one home, Philippines and we are all Filipinos.” pahayag ni Bishop Santos.

Umaapela ang Obispo ng pagtutulungan at malawak na pagkikipag-ugnayan ng lahat para sa bayan.

Pinayuhan ng Obispo ang mamamayan na na pairalin ang kabutihan at pagmamahalan upang maipamalas ang pangangalaga at pagpapahalaga sa kabutihan ng mas nakararami.

Let us work together, mend broken relationships and extend hands of friendship to all. Let us now win the hearts and minds of all with good, right and moral words and deeds.” Dagdag pahayag ni Bishop Santos.

Sa kasalukuyan, lumikha ng kalituhan at pagdududa ang resulta ng halalan dahil sa mga naitalang aberya sa mismong Vote Counting Machines, SD Card na ginamit noong halalan at mahigit pitong oras na pagkaantala ng pagpasok ng mga datos mula sa COMELEC Transparency Server kung saan makikita ang unofficial electronically transmitted result ng eleksyon.

Naunang inihayag ni Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona – Chairman ng CBCP-NASSA / Caritas Philippines na dapat magsilbing hamon sa bawat isa ang inisyal na resulta ng halalan upang magkaroon ng isang masinsinang voter’s education para sa mamamayang Filipino.

Binigyan diin ng Arsobispo na mahalagang maimulat ang kamalayan ng mga mamamayan sa kahalagahan ng kapangyarihang bumoto para ihalal ang mga karapat-dapat na lingkod bayan na magbibigay ng tunay serbisyo publiko.

Tinukoy ng Arsobispo ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga parokya, Catholic schools at mga youth organization sa epektibong voter’s education sa mga kabataan na itinuturing na pag-asa ng ating bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 228,981 total views

 228,981 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 259,204 total views

 259,204 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 285,848 total views

 285,848 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 380,821 total views

 380,821 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 387,052 total views

 387,052 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top