Pagkamatay ng OFW sa Kuwait, kinondena ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 901 total reads

Mariing kinundena ng Simbahang Katolika ang pagkamatay ng Overseas Filipino Workers sa Kuwait nitong linggo.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, Chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP -ECMI), malinaw na lumabag ang pamahalaan ng Kuwait sa nilagdaang kasunduan na proteksyon sa mga OFW na nagsisilbi sa kanilang bansa.

“It was a failure on their part and clear violation of signed agreement,” mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Aniya, dapat panagutin ang pamahalaan ng Kuwait sa pagkamatay ng OFW dahil bigong protektahan ang mga manggagawa na naglilingkod sa kanilang mamamayan batay na rin sa kasunduang nilagdaan isang taon ang nakalipas.

“The Kuwait government is accountable for this gruesome death of our OFW, Constance Dayag, she has not been protected,” ani ni Bishop Santos.

Magugunitang ika – 11 ng Mayo 2018, nilagdaan ng Pilipinas at Kuwait sa pamamagitan ni dating Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at Foreign Minister Sheikh Sabah Khalid Al Hamad Al Sabah ang kasunduan para mapangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga OFW na kasalukuyang nagtatrabaho sa Kuwait.

Napapaloob din sa kasunduan ang pagkakaroon ng special police unit na tutulong sa embahada ng Pilipinas sa Kuwait sa mga isasagawang rescue operations tuwing may mangangailangan ng tulong.

Dahil dito, umapela si Bishop Santos sa mga opisyal ng Pilipinas na pursigihin at igiit ang batas upang makamit ng biktim ang katarungang nararapat at tuluyang mapanagot sa batas ang salarin.

“Our government officials should not stop until the guilty is punished by law, and justice for Contancia is done, the abusive employer must be prosecuted, and justice be rendered,” giit ng pinuno ng CBCP – ECMI.

Tiniyak naman ni Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III na gagawin ng pamahalaan ang mga hakbang na mabigyang katarungan ang pagkamatay ni Constanciaa Dayag na residente ng Agadanan, Isabela.

TRABAHO PARA SA MGA FILIPINO

Hiniling naman ni Bishop Santos sa pamahalaan na lumikha ng maraming trabaho para sa mga Filipino upang manatili na lamang ito sa Pilipinas kapiling ang mga mahal sa buhay.

Aniya, kaakibat ng paglikha ng mga trabaho dapat tiyakin din ang sapat na sahod at benepisyo ng mga manggagawa kapalit ng kanilang pagpupursigi, batay na rin sa nakasaad sa ensiklikal ni Saint John Paul II na Laborem Excersens na ang tamang pasahod at benipisyo ay karapatan ng bawat manggagawa.

“Please make laws which will create more jobs here so that our people will never be forced to seek jobs abroad, and leave their loved ones,” saad ni Bishop Santos.

Nanawagan din ng Obispo sa mga bagong halal na mambabatas na kalugod-lugod na paglilingkod sa bayan ang paglikha ng mga batas na titiyak sa kaligtasan ng higit 10 milyong OFW sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

“For our newly elected government officials, it is a great service to our OFWs to promulgate laws which will protect our OFWs and promote their rights,” ani ng Obispo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 130,204 total reads

 130,204 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 266,969 total reads

 266,969 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 382,744 total reads

 382,744 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 497,812 total reads

 497,812 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top