COMELEC, pinagpapaliwanag sa mga aberya ng midterm elections

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 440 total views

Umapela ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa Commission on Elections (COMELEC) na ipaliwanag sa publiko ang mga naging aberya sa nagdaang halalan upang mapanatili ang integridad at mawala ang pagdududa ng taumbayan sa kumisyon at sa resulta ng eleksyon.

Iginiit ni Marita Wasan –Pangulo ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas na dapat maayos na maipaliwanag ng COMELEC ang mga naganap na aberya partikular na ang mahigit sa pitong oras na pagkaantala ng paglabas ng resulta ng halalan mula sa Transparency Server patungo sa iba’t ibang media outlets at maging sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting.

inihayag ni Wasan na dapat linawin ng COMELEC kung bakit naunang naipadala ang mga resulta ng halalan sa lokal na pamahalaan kung saan agad na nakapagproklama ang mga City Board of Canvassers sa iba’t ibang mga lalawigan bagamat magkakasama lamang sa balota ang boto ng mga botante.

“Malaking paliwanag dapat ang gawin ng COMELEC dahil talagang integridad nila ang nakataya ngayon kasi nakakapagtaka yung mga pangyayari bakit pantay yung graph ng pagpapadala ng mga resulta sa national, bakit naunang naiproklama ang mga local official, gayung ang mga bomoto ay ibinoto rin ang nasa national, malaking pagdududa ang dulot nito…” pahayag ni Wasan sa panayam sa Radyo Veritas.

Hinimok rin ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas mamamayan na maging mapagbantay at maging alisto sa katapatan ng naganap na halalan.

“Inaasahan ko na ang mga layko ay maging vigilant para maipaliwanag na mabuti ng COMELEC ang dahilan ng malaking kontrobersiya na ito, inaasahan namin na yung kontrobersiya ay maipapaliwanag mabuti…” pahayag ni Wasan.

lumikha ng kalituhan at pagdududa sa resulta ng halalan ang mahigit pitong oras na pagkaantala ng pagpasok ng mga datos mula sa COMELEC Transparency Server kung saan makikita ang unofficial electronically transmitted result ng eleksyon, bukod pa dito ang mga naitalang aberya sa mismong mga Vote Counting Machines at SD Card ng mga makinarya.

Ayon sa Department of Education na batay sa ulat ng mga guro na naglingkod noong araw ng halalan bilang mga Board of Election Inspectors ay umabot sa 1,333 ang bilang ng mga malfunctioning vote counting machines na mas mataas kumpara sa naunang inihayag ng COMELEC na 400 hanggang 600 vote counting machines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 126,391 total views

 126,391 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 250,802 total views

 250,802 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 290,266 total views

 290,266 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 362,936 total views

 362,936 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top