Thanksgiving mass, ini-alay ng Radio Veritas sa Madreng lumaban para sa social justice

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 722 total reads

Nag-alay ng Banal na Misa ang pamunuan ng Radyo Veritas sa burol ni social justice advocate Sr. Crescencia Lucero, SFIC, sa St.Joseph College sa pangunguna ni Rev. Fr. Roy Bellen, Vice President for Operations ng Radio Veritas846.

Sa pagninilay ng pari, sinabi nito na hindi nakikita ang halaga ng buhay ng isang tao sa haba o ikli ng kanyang pananatili sa mundo.

Bagkus, ang pagsasabuhay ng dakilang utos ng Panginoon na pag-ibig sa kapwa ang siyang nagiging batayan kung naging mabunga ang pamumuhay ng isang tao sa daigdig.

“Hindi lang ito basta basta pahabaan. Ikaw ba ay nagmamahal? Ikaw ba ay sumusunod sa halimbawa, kautusan, at paggabay ng Panginoon?” pagninilay ni Fr. Bellen.

Ayon kay Fr. Bellen, ang pagpanaw ni Sr. Lucero bagamat nakalulungkot, ay dapat pa ring ipagpasalamat dahil naging malaking bahagi si Sr. Lucero ng buhay ng maraming tao.

Sinabi ng Pari na malaking biyaya ang mga nagawa ng madre, hindi lamang sa kanyang kongregasyon at sa simbahan, kungdi sa buong Pilipinas.

Hindi na matatawaran ang ambag ni Sr. Lucero sa lipunan lalo na sa mga larangan ng pagtatanggol sa karapatang pantao, sa pagtulong sa mga nangangailangan at sa pagtataguyod ng sangnilikha.

“This is actually a day of, in a way, thanks giving. Thru her the Lord touched each of us in different ways. For her, it is love of country, love of fellow humanity, love of fellow Filipino… We are pretty much sure Sr. Cres have lived a full life, serving, helping and loving her fellow man.” Dagdag pa ni Fr. Bellen.

Si Sr. Lucero, 77 taong gulang, kabilang sa kongregasyon ng Franciscan Sisters of the Immaculate Conception, ay pumanaw sa Jakarta, Indonesia noong ika-15 ng Mayo, matapos itong ma-stroke at magkaroon ng cerebral hemorrhage.

Ilan sa mga samahang kanyang kinabibilangan ay ang Association of Major Religious Superiors of the Philippines’ Justice, Peace and Integrity of Creation; Philippine Alliance of Human Rights Advocates; Ecological Justice for Interfaith Movement; at Task Force Detainees of the Philippines kung saan ito nagsilbing Chairperson of the Board.

Sa nakaraang ika-50 anibersaryo ng Radio Veritas ay ginawaran ng himpilan ng katotohanan si Sr.Cres ng parangal sa matapang nitong pakikipaglaban sa karapatang pantao na binalewala ng diktaduryang Marcos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 18,251 total reads

 18,251 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 57,307 total reads

 57,307 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 92,607 total reads

 92,607 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 318,876 total reads

 318,876 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 211,159 total reads

 211,159 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 35,719 total reads

 35,719 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 28,611 total reads

 28,611 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top